Sampung klase ng tao na mag-bibigay sa iyo ng regalo ngayong pasko.

Malapit na pasko kaya ano pa mainam iposte kundi ang mga christmas shitness na either nakakaumay nang basahin o nakakaputa na ng buhay dahil sa mga posteng paulit-ulit. Same Shit Different Year  o for short sa mahilig mag-short ay SSDY. (so ano tong poste ko?)

Regalo lang din naman ang kumekerengkeng at kumi-Kris Kringle sa mga tao ngayon, why not icategorize natin ang mga taong magbibigay sa iyo ngayong pasko?  game?  GAME!

1, The BUHOS BUHAY giver:  eto yung klase ng tao na magbibigay sayo ng regalo na ayos lang maubos ang pera nya, mabigyan ka lang ng regalo at mapangiti ka lang. The Genuine Giver. 

2, The Putang-ina-mo-ka giver: Wala na talaga mas nakakairita pa sa ubligadong mag-bigay ng regalo sa taong hindi worth ng pera at oras mo. Taong poker face at kapag tumalikod ka na, demonyong satanas ang ugali. 

3, The Balato giver:  Mga kamag-anak at family related sayo lalo na ang ninong at ninang mo na walang maisip ibigay sa iyo kundi bigyan ka na lang ng kwarta. Maswerte ka kung hindi barya binigay sa iyo. 

4, The Adiktus: Eto ang taong walang kamatayang magbibigay sa'yo ng alarm clock at picture frame. Anampuchang unlimited! 

5. The Crush kita giver: tipong out of the blue ka na lang bibigyan ng regalo at malalaman mo na lang na crush ka pala nya kapag huli mo nang narealize.

6, The Wala akong pake giver: Kahon ng katol na may lamang face towel at sabon, kung regaluhan ka parang hindi ka naliligo. Kahit ano ibabalot sa gift wrapper mabigyan ka lang.

7, The STATUS giver: Klase ng tao na magbibigay sayo ng regalo na naayon sa kanilang status. Ang angas at ipapamuka sa iyo kung gaano sila ka superior.

8, The Oops!... I did it again: Taong nagregalo sayo na niregaluhan ka na katulad din na binigay sayo noong nakaraang taon.

9, The Complainer: Magbibigay sa'yo ng regalo at irereklamo sayo the story behind your gift.

10, The Hindi ito wholesome giver:  Regalong ibibigay sayo ay mahalay at malaswa. Hindi kailangan ng patnubay ng magulang dahil isipin mo, how awkward kapag nakita ng magulang mo na malaking dildo at  fuck-doll ang regalo sayo.


Pero ganon pa man,  'wag natin kalimutan ang diwa ng pasko at hindi kay Santa Claus ang tunay na pasko kundi kay Papa J.