Walang lalaking santo, sa babaeng magaling umanggulo

Kanina ilang beses ako bumuwelta sa kubeta. Hindi pala mainam chumibog ng mga pagkaing may dairy products at uminom ng isang litrong gatas pangpatawid uhaw dahil walang tubig sa ref at malayo ang gripo sa kinauupuan.

Kanina interview ko sa job.  Taragis na mga demonyo at naalala ako ng mga kupal peeps. Hindi naman sa namiss nila ako at nagbabalik ang oriental kupal na unggoy sa kanilang kompanya. Tingin mo, ano ang probabilidad na matuklasan nila na nasa mundo ako ng blogosperyo at gumamit ng translator para itranslate itong kinginang entry ko? Tingin mo? At ano sa tingin mo ang probabilidad na tanggapin nila uli ako sa trabaho dahil hindi lang pala ako ang interesado sa job position na kanilang inaalok? 

Kanina ay kanina lang. 

Pero alam mo, hindi na nga yata malupit na bisyo ang pagblo-blog. Pansin mo? Pansin ko rin. Nabawasan na ng mga pakaining baboy at mga tambay na peeps na katulad ko. O mas madali na lang talaga magtamad-tamaran sa tweet tweet at sa facebuko. Kaunting Type, kuwela ka na. May sampung mag-like, artista ka na. Nakaka-miss ang mga binabasa kong malupet na blogs noon at hindi na active ngayon, mga tipong kapag nagkukuwento ay ino-orgasm ang utak mo at hinihigop mo na lang pabalik ang laway mo kasi tumapon mag-isa dahil sa kakatawa. Yung mga tipong kahit nilanggam na ang bayag mo eh pipiliin mo pa ring magbasa kaysa magkamot.  Yung tipong  linggo-linggo mo inaabangan para sa bagong post at kapag may bagong post pala at ikaw na lang sa buong mundo ng blogosperyo ang hindi pa nakakabasa eh mapapapuchapie ka at masasapak mo ang nakatabi sayo pero magbabasa ka pa rin. Taragis lang.

Pero bukod sa aking kahayupang pagrereklamo tungkol sa pagkakamiss ko sa mga kupal bloggers na iniidolo ko dito sa mundo ng blogosperyo, paano ko ba masosolusyonan ang pagiging loneliness ko dito sa aking crib? Puchapie ang dami kong tanong. Napapraning ka na siguro. Ayos lang yan, dito ka lang sa crib ni Pareng Cyron makakabasa ng mga shameless non-nutritious questions na humihingi nang matinong sagot. What a nonsense post. Sinabi mo pa.