Pwede bang makabuntis kung isa lang ang itlog sa bayag?

*Kindat, kindat *.  Mayroon na sigurong binabangungot sa mga oras na ito pero heto’t ako'y nakikipag contest na naman ng titigan sa screen slash ng aking kinginang walang kapagurang cursor sa pagkindat. Kung alam lang niya nakakasawa ang paulit-ulit ang ginagawa. O kung alam man niyang paulit-ulit na lang ang buhay niya. Pumupunta kung saan siya ituro. Bihisan mo man ng ibang kulay kung kikindat pa rin ang gagawin niya eh pakshet lang ‘di ba?

Nitong nakaraang linggo, nagulat na lang ako na ang idol kong si Xienahgirl aka chiksilog sa kanyang crib ay napatambay at nag-iwan ng kanyang shit sa aking entry. Natuwa ako na nalungkot. 

Natuwa kasi napansin nya ako. Nalungkot dahil naturn off sya sa akin. 

Nabasa ni idol ang aking interview heart to heart kay Pareng Senyor at napabisita sya sa aking crib. Tiningnan nya ang aking blogroll at nadisappointed sya na malaman nya. Wala sya doon. Agad-agad naman ako napareply at sinabi sa kanya na ang aking blogroll ay hindi updated(so to say sa mga namboso at sumilip na ng aking blogroll).  

"Isang mortal sin ang hindi pag-update ng blogroll. Isa yan sa pinakamahalagang blog duty".- 

Natameme ako ng saglit sa sinabi nya at nafeel guilty ang kingining Pareng Cy nyo. Isang pagkukulang slash pagkakamali ko na ikinadisappointed ng aking idol. Anampucha, ako na walang talent sa pag-update ng aking blogroll. 

Nayari ako. Kaya eto, minainam ko na lang na tanggalin uli para wala ng sakitan ng heart pa. Hindi lang sa idol ko, kung 'di na rin sa mga tinatambayan ko na wala pa sa blogger's roll ko. 

Yun lang.