Dahil hindi lahat ng anchorman ay Good Boy.


Picture credits to its respective owner.
May mga pagkakataon talaga na kailangan maging Bad Boy ka para alamin ang katotohanan. Yung tipong kulang na lang ay sugurin mo siya sa kanyang lungga at buntalin to the point na aminin niya ang katotohanan at tutukan mo na rin ng baril para magmakaawa sa iyo sa kanyang buhay. Pero minsan  hindi nakukuha ang mga importanteng impormasyon sa marahas na paraan o sa pagiging mayabang at pilosopo.

Pero dahil isa rin akong kupal na katulad mo, suportado kita na naging barumbado ka sa kupal na lawyer na yan. Sino ba naman ang hindi mapipikon sa mga sagot na walang sustansya at puro "iwas gulo" at "safe answer" ang mga sagot?

At sino ba naman ang maniniwala sa lawyer ng isang mandurugas slash mangagatso?

Gusto ko ring malaman ang katotohanan at kung walang sapat na impormasyong tayong malalaman kung ano na ang ngyayari, paano mabibigyan ng hustisya ang mga taong naapektuhan ng kanilang pandaraya?

Kung hindi ipinagbawal ang bitay, dapat binitay na 'yang baboy na yan at hindi na kumukuha pa ng abogado na magtatakip pa sa kanyang baho at lilinisin ang kanyang pangalan.

Pero sa aking karagdagang opinyon,  Kung maninisi lang din naman ang mga shameless kupal people, hindi lang ikaw ang dapat sisihin sa puntong iyon, kundi ang mga responsable sa palabas mo sa mismo na 'yon. Dahil marami silang tanong na gusto kaagad nilang malaman (PDAF ba or Serious illegal detention? Taragis, one at a time kasi.) at kulang sila sa impormasyon kung sino ang dapat tawagan para sa live conversation tungkol sa case ng kupal na baboy na yon. Oo, Panira talaga ng araw. 'Yun lang.