Bukod sa mukha mo, ano pa problema mo?

Kanina habang naghihintay ako sa bus stop, naisipan kong makinig sa not-so-latest show ng Good Times With Mo podcast. Sa bungisngis at pinta ng itsura ko kanina, kulang na lang ay pagkamalan akong sira ulo ng mga hilaw na kasama ko rin naghihintay na mukang sira ulo din dahil panay ang iling sa tuwing may dadaan na sasakyan. (sino ngayon sa amin ang mas sira ulo?)

Tungkol sa fellatio at vajayjay yung naabutan ko. Niki ang pangalan nung unang tumawag. Nung nagsimula na syang mag-salita taragis lang, lalake pala. Nagulat ako. Akala ko nung una chikababe kasi pangalan pa lang, yun pala alias nya. Taragis na kambing, Isa na namang pusong babaeng natrap sa katawan ng lalake.

Para akong nakasinghot ng utot sa itsura ko at akala ng katabi ko may problema ako sa kanya. Lumingon na lang ako at tinuloy ko ang aking pakikinig.

Ang tanong ni Niki kay Mo ay kung pwede daw ba nya iBJ 'yung katalik nya kung may singaw sya sa labi.

Dafaq did I just hear. (medyo siryus)

Eto ayos sa olrayt sa show ni DJ Mo Twister, lahat ng topic tungkol sa love, life, sex  pwede mo itanong. Kahit na 'yung tanong mo ay mahalay at nakaka-puchana  ay susubukan pa rin nya sagutin, makontento ka lang.

Sinagot ni Mo ang kanyang tanong at ako naman kinausap ko ang aking sarili habang nakikinig.

Bakit may mga kupal peeps na nagtitiyaga talaga na tumawag slash maghintay habang ang kanilang telepono ay naka-standby at kinakain ang kanilang pera para lang itanong ang mga ganitong shameless questions?

For fame?  Para may masabi na nasa show sya kagabi? Puchapie, kung ano man ang dahilan mo, you can kiss my smelly dirty sweaty ass!!

Okay, so tuloy ang aking pakikinig. This time babae na talaga  ang sumunod na tumawag. 17 years old lang sya from Pasig.  Ngayon, dito ako napabungisngis ng sobra. Si neneng kasi ang problema naman nya ay tungkol sa kanyang Pechay. Aaminin ko na medyo na-excited si Junior. Ayon sa kanya, sila ng kanyang boyfriend had an oral sex, pero sa kasamaang-palad ay may something shit happened. Her boyfriend left her vajayjay ugly. Oo, tama ang nabasa mo. Pumangit ang kanyang flower. Ayon pa sa kanya, her boyfriend sucked her flower daw to the point na 'yung lips ng kanyang vajayjay ay lumawlaw.

Taragis na yan! Anong klaseng sucking power merong 'yang boyfriend mo? Parang vacuum.

Ang masaklap pa non, nang dahil lang sa lawlaw ang lips ng kanyang vajayjay ay gusto na ni girl na ipasurgery. Agad-agad? Pinayuhan sya ni Mo na 'wag ipasurgery dahil hindi nakukuha sa itsura ng vajayjay na mahal ka ng lalake. Again, habang pinapayuhan sya ni Mo, kinausap ko uli  ang sarili ko na parang may sayad sa utak.

'Yung totoo, kailangan talaga itawag yung ganitong problema at ihingan ng payo? (again, medyo siryus)

Anyway hemingway,  hanga ako doon sa guy.  Ang tindi nyang humigop. I might as well need this guy to suck my jetits just to make my junior bigger. Tingin mo? Tingin ko rin.

Dumating na 'yung bus at medyo napaisip ako, subukan ko rin kaya tumawag kay MO?