Dear blog... ayoko i-mention, pero dear blog...

Pseudo-relationship

Eto ayos sa olrayt sa katipunera kong ex, masyadong mapusok, mabagsik, malihim at hard to get. Kahit yung "current boyfriend" nya e walang alam sa kanya. Teka wait, wrong expression. Ang ibig kong sabihin ay naiintriga na rin sa kanya. Naging sila, pero it's been a hekabol ten months past na at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkikita. (lokohan lang dba?) Parang eto yung tinatawag nilang Pseudo-relationship. Yung "parang kayo pero hindi stage". Kailanman ay hindi sila nagkita personally at kapag tinangka nya ay hindi natutuloy. Maraming dahilan si ex para lang hindi sya makita. Pero hindi ko naman masisisi si ex dahil marami syang responsabilidad sa kanyang buhay at idagdag mo pa ang kanyang nakakatrauma na trabaho.

Kaya noong isang araw ay napamessage sa akin ang kanyang "current boyfriend" para alamin ang deep shit behind my past relationship kay ex slash between the two of us. Aaminin ko, para akong nakasinghot ng kanin at tinopak sa kanyang mga tanong at hindi ko sya masagot ng matino.

Boyfriend: Pre, kumusta? Malamang kilalalang kilala mo na ako o naikukuwento ako ni **** sa iyo.

Una, hindi kita kilala. Pangalawa, hindi ka naikukwento ni ex sa akin. Yung totoo,  kami ni ex ay madalang na magpansinan. Kinasusuklaman nya ako hanggang sa kaibuturan ng aking pagkatao. Hi, Hello lang kami. At best, yung mamiss lang nya ako dahil wala sya makausap. Ganon nya ako kalab.

Ako: Ui!, musta? eto ayos sa olrayt naman ako. Uu kilala kita.

Boyfriend: Kelan naging kayo, pre?

Kelan talaga?  Brad, paano ko ba to sasagutin? Paanong order ba gusto mo?  by Month-Date-Year, Year-Month-Date o Date-Month-Year? Sorry at hindi ko alam kung anong oras nya ako sinagot.

Ako: Hindi naging kami...  to begin with. (a big LIE with kirot sa aking heart.)

Boyfriend: So hindi naging kayo?

sasaksakin ko to ng icepick.

Ako: You know her.., when she loves someone she mean it.

Boyfriend: Pare pagkakaalam ko based ka sa Europe tama ba? Pagkakaalam ko rin ikaw ang last ex nya.

umeFBI agent lang ang dating.

Ako: Oo, base ako sa Europe. Hindi ko alam na ako yung last nya dahil hindi naman talaga namin sineryoso. More like magkaibigang asaran lang. Yoon ang paniniwala ko. (a super duper big LIE with strong kirot sa aking heart.)

Hanggat maari ayokong sabihin ang mga ngyari sa amin ni katipunera dahil sa tuwing maalala ko lang e nanghihinayang ako. Sya na lang ang magpaliwag nang lahat dahil total mas alam naman nya ang mga ngyari sa amin.

Etong si Boyfriend, naramdaman ko na seryoso at mahal nya si ex kaya naman kahit na sinabi nya sa akin na walang makakaalam sa conversation namin ay binali ko pa rin ang isa sa mga Bro Code.


Bro Code #34: When a promise is made, it shall be kept. And under no circumstances shall it be broken.

Pero ano silbe kung magpseudo-boyfriend-girlfriend lang kayo at puro M.U.?

Minessage ko si katipunera at kinamusta ko sya.

Ako: Ui! musta ka na?

Katipunera: Eto may sakit pa rin.

Ako: Alam ko this is not the time to talk about this...  pero yung boyfriend mo napamessage sya  sa akin and he feels down. Bakit daw ba ganun ka? Lagi kang umiiwas.

Katipunera: Alam naman nya ngyayari sa buhay ko eh... ang tanga talaga ng tao na yun.

Ako: Ayan ka na naman, umiibig lang yung tao. Gusto ka nya makita.

Katipunera: kasi naman lahat naman kasi ineexplain ko sa kanya.

Ako: Meet him once. Kung ayaw mo sa kanya edi ibusted mo.

Katipunera: I will. Sige, sasabihin ko na sayo. Natatakot kasi ako na baka pag naging official kami masyado na syang maging mahigpit.. kilala mo ako ayoko ng nasasakal.

Ako: I see. You are really not yet ready to be in a relationship.

Katipunera: I guess.. lalo na may inaalagaan ako...  natatakot ako na baka dumating yung point na sa sobrang "LOVE" nya e mapano naman kami..

Ako: Pero hindi naman yata sya ganon. Naiintindihan ka naman nya yata sa sitwasyon mo.

Katipunera: May times kasi na nagiging mahigpit na sya which is way toooooooooooooo irritating. Di pa kami official pero kung makabantay sobra na.

Doon natapos ang conversation namin ni Ex. Doon ko rin nalaman na si boyfriend ay malapit nang buminggo.

Makalipas ang ilang minuto si boyfriend nag message sa akin.

Boyfriend: Nagkwento ka ata pare eh. 
"Ikaw wag kang nagsusumbong kung kani-kanino ha!" - sabi nya sa akin.

Napamura ako ng malutong at sabay untog ng aking ulo sa lamesa. Taragis na babae, hindi man lang pinagbigyan. Gusto na nya talagang makawala sa "LOVE" ng kanyang "boyfriend". Inexplain ko ang aking sarili kay "boyfriend" pero lagot na talaga.

Ako: Oo, nabanggit kita sa kanya dahil gusto ko maging kayo. Pero wala naman ako sinabi sa kanya na ikakagalit nya. (or meron? pabulong sa aking sarili.)

Boyfriend: Pero sana pare atin2x na lang. I'm in hot water now pare. Di ako galit sa iyo pre, pero delikadong delikado ako ngayon. 

Yung pagkakasabi nya ng "I'm in hot water now" akala ko nasa banyera talaga sya ng mainit na tubig at nagrerelax. Taragis na metaphor yan brad. 

Minessage ko uli si ex at tinanong sya...

Ako: Oi, bakit naman ganon? Hindi ko naman sya sinisiraan sa iyo. Bakit mo naman ginawa yon? Kailangan ba talaga?

Katipunera: SINABI KO BA NA SINISIRAAN MO SYA?

nakacops lock talaga para intense?

Ako: Hindi yon, ang ibig kong sabihin kailangan mo ba talaga sabihin sa kanya na "Ikaw wag kang nagsusumbong kung kani-kanino ha!" Agad-agad?

Ang intensyon ko ay magkita kayo, pansinin mo sya kahit na ayaw mo sa kanya. Pagbigyan mo lang yung taong may gusto sayo. Wala rin ako intensyon na paasahin mo sya. Alam ko na mahirap sayo at naiintindihan kita pero hindi mo naman kailangan tagos puso sabihin kaagad sa kanya ang nais mo at banatan ng ganon. Yun lang.

Katipunera: Ok. ako na may kasalanan.

Doon natapos ang conversation namin at naguilty ako. Sa umpisa, bakit ko sya minessage at sinabi sa kanya na yung current boyfriend nya ay nawawalan na ng pag-asa sa kanya. Bakit ko ba gustong tulungan  yung kupal na yon na maging sila ni ex?  Simple lang, dahil alam ko ang pakiramdam na maghintay at hindi pansinin ng mahal mo na hindi ka mahal. Naranasan ko ang mapait na katotohanan ng kinginang one sided na pag-ibig na yan.

Ngayon, si boyfriend hindi alam kung ano na ang gagawin nya. He can't keep calm kasi taragis si ex tinotopak na naman.  Yung totoo, bakit ka mag-sesettle sa ganitong set up at ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan? Iba't ibang dahilan. Pwedeng for fun lang. Pwedeng "buti na yan kesa wala" or "pantawid gutom".  Una, you can't ask them to commit. Oo, yun yon. Dahil hindi naman talaga totoong nasa relasyon ka, 'wag kang umasa na magiging kayo. Hindi sa lahat ng oras nandon sya sayo. At kung nagseselos ka, ikeep mo na lang sa sarili mo.  Ano ka nya para magselos?

Pangalawa, hindi ka sigurado kung parehas ba kayo ng nararamdaman. Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin nya. Pangatlo, lahat ng sobra nasasayang. Ininvested mo lahat ng emotion mo tapos sya naman wala.

Unlike a serious relationship,  pseudo-relationship hindi mo alam kung saan ka lulugar kasi wala kang pinanghahawakan. There is NO "US". Meron lang "YOU and ME" hindi "US".

Buti sana kung pseudo-pain lang ang mararanasan. Kaso hindi eh. Real pain. Ang masaklap pa non kahit tapos na ang pseudo-relationship, hindi mo maiwasan umasang one day, may karugtung pa rin yun. Tapos miserable kang umaasa na bumalik ang dating nakaraan, pero sa kabilang banda naman nalaman mo na may iba naman ang mahal mo.