Dahil maraming Ungas sa Undas

Hinde, hindi naman talaga offensive ang tite ko title nitong kinginang post ko. Marami talagang ungas sa tuwing sasapit ang araw ng mga patay o for short sa mahilig magshort e Undas. Pansin mo? Pansin ko rin.

Kanya kanya ng gimik at pakulo sa panahon ng undas.  Sa panahon ngayon maswerte ka kung ang kaluluwa mo ay wala pa kay San Pedro o kay Kamatayan dahil hindi lang pagnanakaw o panggagantso ang trip ngayon ng mga shameless kupal people kundi ang pumatay na rin.  Pero kahit saan naman hindi mo alam kung anong shit happen ang mangyayari dahil hindi mo hawak ang iyong kapalaran. Kung panahon mo nang mamatay ngayon, go rest in peace. Pero kung hindi pa e mamatay ka na rin.

Pero kung ipagdiriwang mo lang din naman ang Undas...

Siguraduhin  nakakandado at naka turn off lahat ng gamit paglisan mo ng bahay.

Dapat bagong ligo at presko ka. Pag araw kasi ng Undas, reunion na din yan. Kamustahan ng mga buhay. Isa na namang tatak eksklusibo!

Simple lang dapat ang iyong pananamit yung tipong Maria Clara at hindi Maria Ozawa. 

Ang sementeryo ay hindi disco o pang party na lugar.  Iwasang magdala ng mga bagay bagay na hindi naman talaga kailangan.

Sa panahon ngayon uso ang drop dead gorgeous, atake sa puso at heat stroke. Advise ko sayo  magdala na ng electric fan. Kung madadala mo rin ang aircon dalin mo na rin.

Dalin na ang dapat ibaon na pagkain para paniguradong hindi na bibili pa sa labas. Pupunta ka sa sementeryo para dalawin ang iyong mahal sa buhay at hindi para mag-ubos ng pera para sa kwek-kwek at tokneneng.

Magdala ng maraming kandila. Huwag maging cheap. Minsan sa isang taon lang bibisita, lubusin mo na.

Magsuot ng sapatos o sneakers kung ayaw mo madapurak at matapakan ang iyong kinginang mga paa. Ayaw mo naman siguro umuwi ng namatayan ng kuko.

Kung matigas ang ulo mo at gusto mo pa rin magtsinelas... go lang. 'Wag mo lang kalimutan magdala ng reserba times two. Dahil hindi mo alam, sa katapusan ng araw ay hindi mo na alam kung nasaan ang kapares ng iyong tsinelas.

Siguraduhin magdala ng first aid at magdala ng yelo. Dahil sa panahon ngayon magulo sa sementeryo, mag-ingat baka magkapalitan ng mukha.

'Wag maging usisero sa puntod ng may puntod. Bad yon. Magbigay respeto ka.

Kung gagala ka sa sementeryo para hanapin si crush siguraduhing magpaalam.

Lagi dapat may baon ng condom just in case.

Dahil panahon na naman ng undas, siguraduhin mong magbigay ka ng tunay na respeto sa iyong mga pumanaw na mahal sa buhay mapabahay ka man o mapadalaw sa sementeryo. Minsan lang ito sa buong taon. Paniguradong  matutuwa silang nasa langit sa atin lalo na kapag pinagdarasal natin sila.