Para sa pinakamamahal kong pusa,

     Hindi ko alam kung paano ko toh sisimulan. Sa labing limang taon ng ating pagsasama, kahapon ng hapon nabalitaan ko na lang na tuluyan mo na kaming iniwan. Naiiyak ako at hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Hindi ko matanggap ang iyong pagpanaw. Kumikirot ang puso ko sa tuwing naaalala ko ang ating masasayang pagsasamahan at kulitan noong panahong yon. Pambihira ka, hindi mo man lang ako hinintay makauwi. Miss na miss na kita. Gusto kitang mayakap uli pero ano ngyari? Bakit ka kaagad pumanaw? Taragis na pusakal ka. Ikaw na nga lang ang pinakamamahal kong pusa tapos iniwan mo pa ako?