Nakakapraning na nakakatibe

It's been a hekabol weeks na rin pla simula ng gawin ko ito. Hindi ang pagtitikol sa harap ng laptop ko while watching shameless porn. Hindi yon, araw araw kong ginagawa yon. Kundi ang pagbblog. And I must say namiss ko na hindi ang mundo ng blogosperyo. Namiss ko kasi namiss ko ang mag-bloghop magbasa ng mga salitype at hindi ko namiss dahil walang nagbago. Same shit different days.  Pero wag ka magalit sa akin dahil aminin mo, napansin mo din.

Kamusta ako? Eto, ayos sa olrayt naman at nagpapalaki pansamantala ngayon ng aking bayag. Hindi joke lang, baka literally ka naman maniwala. Wala ng ilalaki ito, at worst bayagan mo ko habang natutulog ako ng mahimbing. Pero ayos lang talaga ako, hindi ako nakainom or nakaiyot ng chikabebe na parang natanggal ang balat ng aking pototoy sa sarap o kung ano man sa kasalukuyang sinusulat ko ito.  Masyado lang talaga messed up fucked up ang utak  ko ngayon na hindi ko alam kung may sense pang ipagpatuloy ito o tigil ko na lang. tigil ko na lang kaya? Para naman hindi masayang ang precious oras mo.

September na at goodbye summer at hello fall na naman. Eto yung tipo ng panahon na mapapraning at matitibe ka kasi fucked up season in many ways. Una, dahil sa paghahalo ng mainit slash malamig na panahon, eto yung tipo ng panahon na magsisimula kang mastress, madepress, migraine, kirot sa katawan na feeling mo tumatanda ka na at ang pagtulo ng sipon out of nowhere. Pangalawa,  Ang paglilinis. Dahil taglagas, malas mo lang kung ikaw o ang kapitbahay mo ay may hardin na over loaded sa halaman at puno at kulang nalang ay maging gubat dahil sigurado namang mapapeste ka sa kakalinis. Pangatlo, dito sa season nila sineset yung oras na 1hour backwards. Oo backwards. Kung 5 am ka madalas gumising, ngayon may extra isang oras ka pa para matulog. Dahil sa panahon na toh mabilis ng dumilim kaya para tumugma sa rythm sineset nila pabalik yung oras. Pero nakakapeste  kasi kapag tagsibol o springtime na kailangan uli ibalik at bawas isang oras naman ang kapalit. Taragis lang. Pati pag-ebs ko sa umaga apektado.