Hottest Days: Sinabi mo pa.

It's been hekabol weeks na rin simula noong nagsimula itong "El Nino" (hindi ko talaga alam kung pano ilalagay ang enye) wanna be dito sa Hungary and I can't keep calm kasi taragis ang inet.  Weeks straight ang 35+- degrees, yung hangin parang heat wave sa oven. Sa gabi ang inet din para naman ako nasa sauna. Ang masaklap pa na katotohanan ay wala akong electric fan at aircon dito sa kwarto. Hindi naman sa  wala akong pera pero hindi ganon ka trendy ang electric fan at aircon dito sa mga batong flat at apartamento. Pang mahirap lang yon. At dahil trendy akong nilalang, edi magdusa ako.

Aminado ako na hindi ito ang pinaka mainit sa iba, dahil according sa mga kumpare ko, kung nasa UAE daw ako mas grabe pa raw. Umaga pa lang, hindi pa nakatirik yung araw sa taas ay 40 degrees na kaagad ang gigising sa iyo. Taragis lang. Hindi ko maintindihan pano nila nakakayanan ang ganong kainit.

*kurap kurap*

*tulo pawis*

*dial sa tenga*

*balik type*

Bukod sa kainitan dito, isa ko pang malaking problema ang body smell. hindi ang smell ko, mabango ako nilalang, kundi ang body smell ng mga taong sa ganitong kaimpyernong inet ay mas pinili pang ipampaligo na lang ang pabango kaysa sa maligo ng tubig at sabon. Yung totoo, kulang na lang talaga ay isuka mo ang bituka at atay mo at bumulagta sa daan matapos makipagsiksikan at makipagsapalaran na pigilan ang iyong paghinga sa pampublikong transportasyon. Ayos lang talaga kung mabango yung pabango pero parang baygon lang ang dating dahil sa blending ng sariling amoy at walang bisa nilang pabango na hindi effective within 24 hrs.

*sniff* *tulo pawis on the right side*

Hindi na ko makapaghintay na matapos na tong heat wave na to dahil tangina lang napipikon na ko.

*tulo pawis on the left side*