Pareng Cyron's 10 useful tips para sa iyong pang araw-araw na pamumuhay.






1, Malanggam ba sa iyong kapaligiran? O kaya naman ayaw mong langgamin ka kapag ikaw ay natutulog? Gusto mong itaboy sila ngunit hindi sila pinapatay? Subukan mong gamitin ang balat ng pipino. Ilagay lamang sa mga kritikal na lugar kung saan nagdadagsaaan ang mga ito at siguradong wala ka ng problema. Environmental friendly pa. Hindi ka pa nakatepok ng langgam.


2, Kakatapos mo lang mag-luto at amoy sibuyas o bawang ang iyong kamay?  Gumamit ng toothpaste sa paghugas ng kamay at BOOM!!  mas mabango pa ang kamay mo kaysa sa hininga mo.


3, Kung maglalaga ka ng balls  itlog at gusto mong malaman kung iyong eggs ay sariwa o bugok na,  try mo lagyan ng asin ang tubig. Sariwa kung ito ay mananatiling nakalubog at kung lumulutang, sorry ka dre.


4, Beautiful soft shiny hair ba gusto mo and dandruff free? bago mo banlawan ang iyong buhok, maglagay sa kutchara ng suka at ito'y ihalo at imasahe sa iyong buhok and HUALA! Daig pa ang mga branded na shampoo.


5, Kung ayaw mong pumaling ang landas ni junior, subukan mo pagsalisihan  ang kamay mo sa pagtitikol. Kung kaliwa ang ginamit mo ngayon, try mo gamitin ang kanan sa susunod na okasyon.


6, Kung crytal clear yelo ang gusto mo, try mo pakuluan muna yung tubig bago mo ilagay sa ice tray. (At siempre, 'wag kang tanga na agad-agad mo isasalin sa tray. Hayaan mo muna lumamig at tsaka mo ibuhos.)



7, Kung ayaw mong mapaiyak habang binabalatan at hinihiwa ang sibuyas, try mo mag chew ng gum. NO MORE TEARS.




8, Para hindi dagain ang dapat na dagain sa inyong tahanan, budburan ng paminta ang mga kritikal na lugar at magsisitakbuhan at lalayo sa lugar na yon ang mga relative ni Doding Daga.




9, Hindi madaling linisin ang shower head lalo na kung ito ay may water stone. Para maagapan ang pamumuo nito o para panatilihin malinis at tanggalin ang stone with no hardship keme, try mo kumuha ng suka ilagay sa plastic at ipalupot ito sa shower head.


10, Gusto mo mag-init sa microwave pero one at a time lang pwede dahil maliit ang space. Bakit hindi paganahin ang utak dba?



para-paraan lang ang lahat.







*picture credits to its respective owners.*