Stupido ba talaga ako?


Itago natin sa pangalang Nik ang kanyang pangalan at ito ang kanyang ipinost :

Naisip ko lang - Bakit padami ng padami ang SQUATTER at mahirap sa Manila pero sa Province ang luwag at ang gaganda ng Bahay. Kasi mas corrupt ang mga politico sa Manila, mas madaming tao mas madami boboto sa kanila, hindi na naawa tong mga politico na toh. So i conclude na kung saan madaming mahirap at squatter nadun ang opinka kurakot na politoco..Tama o Mali?

Comments: 

Girl: Tama!


Boy : Agree!

Me: sa opinyon ko, siguro Mali. Hindi lahat ng mga tao sa Manila ay doon talaga nakatira. Karamihan sa kanila ay sa probinsya namumuhay pero sa kahirapan ng buhay pumunta sila sa syudad para magbakasakaling magbago ang kanilang landas. Kaya dumadami ang mahihirap sa syudad ay dahil sa kapalaran na hindi nila inakala na ganoon ang mangyayari sa kanila. sumugod sila para makipagsapalaran at nagbakasakaling may oprtunidad na magkatrabaho at kumita. Hindi ko rin masasabi na kasalanan ng politico dahil nasa sa atin ang solusyon para soulusyonan ang ating problema. hindi dapat natin isisi ang mga ngyayari sa atin na tayo naman ang may kasalanan.

Nik -> Cyron: Kung ganun pala bakit hindi nila maisip bumalik sa probinsya kung saan malawak ang lupain at pwede silang mamuhay ng simple at masagana? Hindi ko sinisisi ang mga politico sinisabi ko lang na corrupt sile at kung hindi man bakit hindi sila mismo mag initiate na kausapin at palipatin sa mas magandang lugar ang mga squatter kesa nandun nakatambay at nag dudumi?

Me: pinili nila na manatili. it's their choice of living.

Boy: Madam Senator ano po ba kase next position na tatakbuhan nyo...dami nyo naman po kase pinaglalaban..hahahah..

Nik -> Cyron :Then we'll go back to my argument why Manila has the most number of squatter, and corrupt.

Nik -> Boy: haha wala lang naiinis at naawa lang ako... lol

Me: it's the CITY. maraming opportunidad sa syudad. kaya nga nila pinili manatili doon dba, kahit sa squatter pa sila manirahan. it's their choice. and i don't think you should pitty them. majority of the people living there hate when people pitty them.

Boy: Well ito ay base sa experience ng Family namen ang Lolo at lola ko po nuon ay nakatira sa squatters area when they got here in Manila para makipagsapalaran kase mahirap talaga ang buhay s aprobinsya pwede kang kumita pero enough lang pangkain ng 3 beses isang araw eh katulad ng ibang pangkaraniwan tao na naghahangad din ng kahit konteng riwasa sa buhay nakipagsapalaran sila dito... since alam nila na wala sila masyado pinagaralan at maibibigay na magandnag buhay sa maraming anak nila talagang sinadya nilang isa lang magiging anak at yun ang mama ko tapos ayun nagsikap si Lolo nag paalipin s aibang bansa then nakaipon bumili ng sariling bahay tapos ayun na kahit paano umayos buhay nila at kaming mga apo dina naranasan tumira sa squatters area..kaya masasabi ko na nasa tao nalang talaga yan kahit anong effort or corrupt ng government nasa atin padin nakasalalay ang kapalaran naten...kung aasa tayo sa gobyerno wla kaya deadma nalang. "hindi masama na pinanganak kang Mahirap , Ang masama ay ang mamatay ka paring Mahirap na Mahirap"

Nik  -> Boy: Successful story yan, most of the settlers ilang generation at ilan ang anak diba? Kung di rin pala tutulong Politiko at okay lang satin na ganyan sila.. edi wala nlang sanang mga politico.lol sayang naman ang tax natin.

Boy: Ang problema din kase sa ibang nakatira sa squatters area dina nagsisikap parang kontento na silang ganon lang sila tatanggap ng proteksyon sa mga gagong pulitiko para di sila paalisin kapalit ay boto nila plus mga abuloy na pagkain ng gobyerno na obviously front lang and Some NGO..ang nakakaloka pa sila pa itong nagaanak ng madami wala ka na ngang pinagaralan wala kapang pera at sariling bahay ni trabaho isila patong madaming anak.walang makakapagsabing walang pagasa at talagang mahirap ang buhay bakit ang Lolo at Lola ko?? .ako kase naniniwala nasa tao nalang din ang kapalaran nila..pero lets face it manila lang ang nakikitang option ng karamihan sa province kase when it comes to job opportunities na magaangat talaga ng kalidad ng buhay nila eh wala naman masyado talaga sa probinsya lalo na s malalayong probinsya talaga..when it comes to Governance naku siguro panaginip nalang sa ngayon ang isnag Pilipinas na wlang corrupt na namumuno.kase dapat sa sarili mismo nateng gawi pinapatay na naten ang Corruption.sabi nga ni Juana Change "Paano naten icocorect ang corruption kung sa simpleng bagay na ginagawa naten sa pangaraw-araw na buhay eh may form of corruption din" like Lifestyle etc." kaya wala na yan sa namumuno nas atao nalang din talaga..sad to say masmaraming nagpapagamit sa mga gagong pulitiko at una na jan ay ang mga nasa squatters area..

Nik -> Boy: Ang problema din kase sa ibang nakatira sa squatters area dina nagsisikap parang kontento na silang ganon lang sila tatanggap ng proteksyon sa mga gagong pulitiko para di sila paalisin kapalit ay boto nila plus mga abuloy na pagkain ng gobyerno na obviously front lang and Some NGO..ang nakakaloka pa sila pa itong nagaanak ng madami wala ka na ngang pinagaralan wala kapang pera at sariling bahay ni trabaho isila patong madaming anak - EXACTLY MY POINT!

Me: again, it's their choice. and yes, don't pitty them.

Nik: Well hopefully mag karron tayo ng POLITICO na hindi uunahin ang sarili,:)

Boy: I dont pitty them id rather Pitty you Cyron kase stupido ka!!! naturingang ikaw itong mukhang maraming options sa buhay para magkaruon ng malawak na pagiisip pero ganyan POV mo...well its ur POV its just i find it so lame and doesnt have factual and substantial info.and thats my POV towards your capacity of analyzing the reality...ikaw ang perfect example na sinasabi ni Juana Change na Corrupt I mean Corrupted mind..sorry...end of discussion for you...

Nik: Walang away..

Me: sorry sa pagiging estupido ko na ikinagalit mo.

Nik: Trend the end!:)





stupido ba talaga ako?  :(  sinagot ko lang naman ang tanong.

Bakit padami ng padami ang SQUATTER at mahirap sa Manila pero sa Province ang luwag at ang gaganda ng Bahay?

At anong klaseng sagot toh?  Kasi mas corrupt ang mga politico sa Manila, mas madaming tao mas madami boboto sa kanila? Politico kaagad? hindi ba sa sarili nating pagkakamali kung bakit may shit happen na ngyayari sa ating buhay? Oo with the respect of of exceptions. Bakit kaagad isisisi sa politiko ang mali mo?

picture credits to its respective owner