Ang pagtae ay tawag ng kalikasan. So ang pag-utot, missed call?

Kanina meron shit na ngyari. Sabihin na nating muntikan na talaga na shit happened. Kasi ganito yon, eto mainam sa mga driver dito sa Hungary, may bayag talaga ibaba ang kanilang pasahero sa kalagitnaan ng mabusying kalsada at walang pake kung ito man ay makatawid ng maayos o agaw buhay tatawid papunta sa kabilang banda ng kalye. Katulad na lang kanina, habang tumatawid ako, isang kotse ang umeksena at huminto sa  kalagitnaan ng gumagalaw na mga sasakyan dahil green light na dba,  si driver huminto sa harapan at ibinaba ang kanyang kaanu-ano na si babae at muntikan ng masagasa ng bus. Nafreakout si babae at muntikan ng atakihin sa puso. Si bus driver minumura si babae at pansin sa itsura nya na hindi pa sya ready matanggal sa kanyang trabaho dahil mahirap na sa panahon ngayon.

*kindat kindat*

Sa kabilang banda naman, noong nakaraang araw, napasilip ako sa dot com ni mahal na hari Pareng Archie at nabasa ang kanyang sinalitype tungkol sa kanyang major major. Habang ako ay naglalakad, ang muka ko ay hindi maipinta sa pagkaburaot dahil hindi ko pa rin talaga maintindihan ang aking sarili bakit hindi na lang ako nag major sa arts kung puro work of art lang din naman ako. Bakit hindi ko kaagad nadiskubre na may talento pla ang aking bayag sa pag-guhit slash may interes sa mga bagay bagay tungkol sa arts?

*kamot ulo on the left side*


Kasalukuyang akong nasa proseso ng paggawa ng kontrata na nagsasaad na ako ay babayaran na aking kupal kaibigan sa kanyang utang na tumataginting na tatlumpung libong piso ngayong taon. Eto ba ang tinatawag nilang fate o kapalaran ng syeteng hindi mo malaman na basta syet lang na darating sa iyong buhay at mapipikon slash mabuburat ka sa mangyayari sa iyo at wala ka magawa kung hindi ang huminahon at magkaroon ng mahaaaaaaabang tite pasensya? Noong nakaraang taon ko pa sya pinahiraman at hanggang ngayon ay hindi pa rin nya ito ibinabalik sa akin. Mga pangako lagi napapako. Ipako ko kaya? Kung makahingi ng tulong parang mamatay na, pero kapag sinisingil mo na, galit pa sa iyo. Ayos, ako pa ang nagmukhang masamang tao. Pero dahil isa akong tunay na kaibigan, babalatan ko sya na parang sibuyas at pipigain ko na parang kinayod na niyog hanggang sa makuha ko ang huling katas. Kung alam nya lang, yon ay aking hirap, pawis, sipag at tyaga kong kinita. Kasalukuyang nasa Dubai sya at nagpapahaba ng kanyang bulbol. Hindi ko sya makuha sa pakiusap so idadaan ko na lang sa propesyonal na paraan.

*kamut ulo on the right side*

Ngayon tanggap ko na, wala na ko ilalaki pa. Hanggang dito na lang ang height ko. Kahit pano banat ng katawan, ehersisyo, pag-inom ng gatas, pagtikol araw-araw at pagtulog ng tamang oras, wala na talaga akong itatangkad pa. Oo, concern ako sa aking pinoy height. Isipin mo na lang, below average height ang tangkad ko. ang saklap.  Desidido akong tumangkad pero kung wala na talagang pag-asa tatanggapin ko na na ganito na ko.

yun lang.

picture credits to its respective owner.