10 klase ng tao na nagrereply sa iyong post. (na napansin ko)

Madalas ako mapadpad sa crib ng mga kapwa bloggero dito sa mundo ng blogosperyo at mag-iwan ng aking shit. Sometimes bago ako mag-iwan ng aking shit, inoobserbahan ko ang shit ng ibang readers at napansin ko pwede rin pla silang pagkatuwaan at iclassified kung anong klaseng replier sila.

The Neutral
Klase ng tao na nagrereply sayo na hindi mo mareplyan ang comment dahil neither positive nor negative ang comment. Wala kang maramdaman sa mga palabrang iniwan sa iyong entry at parang "Oo na lang" ang dating. 

High
Tipong may nasinghot o ininject sa kanilang sarili at hindi mo maintidihan kung ano ang gustong sabihin sa comment. Malakas makabobo at makakati ng anit.

May Balls
Sya yung nagrereply sayo na straight to the point ang comment at may kasama pang mura kung kinakailangan para intense.

Mr. and Ms. "Mamaya na lang"
Nabasa na ang post mo pero prefer na mamaya na lang uli ipagpatuloy at magreply dahil hindi kinaya ng kanyang powers ang iyong post. It can be hours, a day or couple of days bago magreply.

Potpot
Eto yung taong mapapansin mo na paulit ulit na lang ang comment sa iyong post. Dinaig pa ang sirang plaka.

The Anon
Anonymous for long. Replier na either they are with you or against to you. Maaaring isa sya sa iyong mga kilala dito sa mundo ng blogosperyo ngunit minabuti na lang maging anon para masabi nya sa iyo ang gusto nyang sabihin. 

Doxogeletophobia
Hybrid phobia of doxophobia and geletophobia. Uri ng tao na takot magreply to express their opinion and fear of being laughed at kaya minabuti na lang na manahimik. Mahilig sa mumu style dahil nagparamdam at binasa lang ang iyong post.

Hashtag
Mahilig magcomment na may kasamang hashtag na kunwari ay matatag talaga.  Senyales na adiktus sa Twitter.

The Unstoppable
Mala-article kung magcomment. Dinaig pa ang iyong post sa kahabaan.

Bff
Magrereply sa iyo kahit alam na walang sustansya slash nonsense at walang mapupulutan na aral ang iyong post. Halatang napilitan lang magcomment pero it makes you happy kasi nagtyaga sya magcomment.