Semana Santa, isang semana sikat ang pinoy slash kung ikaw ay may pera, sasakay ka ba sa Titanic 2?


Kapag ganitong malapit na ang holy week, sikat na naman tayong mga pinoy dahil sa ating nakagawiang tradisyon tuwing semana santa. At dahil nga naka base ako ngayon dito sa Budapest, while reading the newspaper at iniinom ang aking naglalagablab na kape, laking ngisi ko lang slash bungisngis on the side nung nakita kong nasa dyaryo tayo. Siempre hindi ko pinalagpas yung dyaryong nakita ko kaya eto, ginupit ko at ipakita ko sa inyo.

kinupit sa dyaryo


O dba.....  big time lang ang dating with matching big photos pa para siguradong pang-ARAY sa mga puti. Pero habang tinitingnan ko yung litrato napansin ko lang, kailangan ba talaga nila gawin toh? Kasi kung ako tatanungin mo, kahit ipako pa nila yung sariili nila at mamatay dyan sa krus,  hindi mababawasan ang kasalanan nila. Dahil yung totoo, torture lang ang dating nito sa akin. Torture a la semana edition.  Pinapanahon para sa oras na tinotorture nila yung sarili nila may mga audience sila. Galing noh? Isama mo pa yung mga mamang nilalatigo ang kanilang sarili. Sadista lang.

At isa pa tong nabasa at nakita ko sa dyaryo,  ilang taon pa at mabubuo na nila ang Titanic 2! O NOH!! PACKING SHEET!  ANG PAGBABALIK !!   near... far... wherever  you are....  okay wait bago ka kumanta dyan,   according sa nabasa ko, almost same copy daw ang gagawin nila at yung mga kamag-anak ng mga nasawi sa trahedya ay nagrereklamo bakit daw naisipan nitong mga kupal na business people na gumawa ng replica nitong barko? Anak ng bakang dalaga! Kung ako may pera at tatanungin mo ko kung sasakay ba ko I will say Yes kasi perst time ko kaya. malay mo lumubog din tong barko na to at ma ala Leonardo Di Caprio pa ang peg ko. Pero sino naman kaya si Girl? hmmm... 



kinupit sa dyaryo