Sarrondo is the name


Nagpatato kanina si Pareng Jay at proud ako sa tato nya dahil isa ako sa mga contributor sa pagkalikha ng kanyang Tato. O dba, ako na dba?


Ilang buwan rin nya ito pinag-isipan at ilang art din ang pinass ko sa kanya. Pero sad to say walang pumasa sa kanyang taste.   Tasteless ka pare. Lakas mo siguro mag betsin?

1st art:

Kaya siguro naisipan nya ako kontakin at isali sa kanyang Tato Project ay dahil nitong nakalipas na ilang buwan ay abot ang doodle ko at naisip nya siguro na baka matulungan ko sya.  Halatang hindi kaagad pumasa sa kanya dahil kamusta naman kasi yung doodle art slash magiging tato wanna be dba? Hindi talaga bagay sa isang taong astigin at matsarming. 

2nd art:

Itong pangalawa kong pass ay medyo nagustuhan na nya dahil font script talaga hanap nya at gusto nya yung simple yet mabagsik. Ang saya ko lang dahil medyo may choice na sya at isa ito sa choice nya pero sad to say hindi na naman pumasa sa kanyang taste. Kaya ayun, try uli ng panibago.

3rd art:

Sa ikatlo kong pagsubok, pumasa na at nagustuhan na nya ang  art na ginawa ko.  Pero this time siempre sya na ang pumili ng font script at ako na ang nagpatuloy. Ang pangalan  ng font script ay Ink in the Meat by Billy Argel.  Simple yet mabagsik kaya wala ng shading at masabaw pang extra art sa tato.