Pareng Cyron goes to Palengke.

     Kung sa tingin mo puro shopping mall at grocery store lang ang mga tindahan sa ibang bansa, that is no correct. Dito sa Budapest uso din ang palengke. Ayos sa olrayt ang mga palengke dito. Luluwa ang eye balls mo dahil sa mga nagsasariwaang slash naglalakihang slash nakakaumay na mga gulay, mga karneng hindi mo alam kung saang sulok ng Hungary nanggaling at mga nakakatakam na pagkain na sigurado namang pampaatake ng puso. Iba ang kaayusan ng palengke nila. Hiwalay ang mga kainan sa mga nagtitinda ng mga gulay, karne, isda at kung ano-ano pa. At bilib it or not, malinis. Nakakapagtaka rin na walang langaw sa palengke. Where are all the langaws and bangaws?




Sa lakas kong kumain kaninang umaga, wala ng natirang makakain at maluluto para sa tanghalian at hapunan. Kaya kanina pumunta ako sa palengke para mamalengke. Bago ako umalis ng flat, napaisip ako na dahil nga sakto lang ang pera ko sa pagkain at wala akong pera pambili ng ticket sa transportation ko, nagdadalawang isip ako na bibili ba ako ng ticket at babawasan ko yung nakalista na bibilin ko o hind na lang kasi 300 forint din yun.  (54 pesos) at ang layo din para lakarin. Naalala ko na may ticket akong nagamit na pero but ngunit subali't wrongly been used. Kasi I punched it in the wrong way. At dahil malaki ang bayag ko, alam mo na siguro kung ano ginawa ko. Ginamit ko uli sya. O dba...  this time I punched it in the right way na. See, ayos sa logic. Be resourceful ika nga. Yun nga lang kapag nahuli, penalty naman na malupit ang ipapataw sa akin.

So ayon, nakalusot ako at pumunta na sa palengke at sabay hablot ng aking TO BUY list.

TO BUY:
- zucchini
- tomatoes
- eggplant
- spring onions
- keszeg fish
- chicken  (wings, thigh, back)
- fruits: pear, apple, grape fruit,  rosé grapes
 
Una kong pinuntahan ang meat section dahil nasa harapan ko na.  Ang haba ng pila, pero pumila na rin ako kasi kung ganito kahaba ang pila ibig sabihin mainam ang mga tinitinda nila. Pansin ko kaagad na yung tindero nasa bad mood na kasi taranta na sa kadamihan namin. Mabilis ang flow ng linya hindi ko alam ikatlo na ko sa pila. Pero bago pa man ako, yung nasa harapan ko ay bumili ng madaming manok. Akala ko mauubusan kaming mga nakapila. Hindi ko mabilang kung ilang pakpak, binti at kung ano ano pang spare parts ng manok ang binili nya. (may party?) Si tindero over taranta, sa taranta nya nagduda yung bumili at sinabi sa kanya na paki ulit uli ang pagkikilo nya. (panigurado lamang o para painitin pa ang ulo?) Mapapansin mo sa expression ng mukha ni tindero na alam nya sa sarili nya na kahit taranta sya ay hindi sya nagkamali sa pagkikilo. Ngayon, babawiin ko na ang sinabi ko sa intro na 'malinis' ng 30% dahil si tindero,cutting the crap short, kinuha yung supot ni kuya na madumi na nakahalumpasay sa sahig na punong ng binili nyang manok at kinilo all together. Napamura ako ng isang malutong na PUTANGINA!  nasaan  ang hygiene dito?! Kiluhan yon ng karne tapos papatong nya don yung marumi supot? Lahat ng mikrobyo napunta na sa kiluhan at nakuha na ng mga karneng binili ko nung ako na ang sumunod. PACKING SHEET! Okay, never uli ako pupunta dito. 

Sa bilihan naman ng mga isda

Wow! ang gaganda naman ng mga isda. Wala akong namumukhaan kahit dilis man lang. Habang nakapila ako, abot ang tingin ko kung ano ang masarap bilin nang biglang nakaakit pansin ang lumulutang na isda na naghihingalo sa aquarium tank na tila ilang segundo pa ay papanaw na. At ayun nga, natsugi si isda. Pero sa aquarium hindi ko napansin na hindi lang pala yung isda ang natsugi. Yung iba pang isdang kalangoy nya ay papalutang at naghihingalo na rin. Wat da faq?!  Nang makita ko si manong doon nya kinukuha yung tubig na panghugas ng kanyang lugar sa mga nakatay nyang isda. May gudness, fish poisoning slash double dead. Don din kaya nanggaling itong isdang bibilin ko?


Sa gulayan

Habang unti-unti kong nabibili ang mga gulay at prutas na gusto ko, bumuburaot ang face ko at tila hindi na maipinta sa inis. Eto nakakatawa sa mga tindero at tindera dito, ramdam mo ang kanilang pag-aalaga sa kanilang mga paninda. Bawal hipuin at bawal din mamili. Gusto nila sila magbibigay sayo. Clever din. Kung ikaw ay walang imik at nganga at kung ano lang ibigay sayo ang tatanggapin mo, big time disappointed ang mangyayari sayo dahil karamihan sa mga binigay sayo ay bulok at walang ng kwenta. Sun of a Beach! Kung sa Pinas pwede mong hawak hawakan, pigain kung hinog ba o hindi ang mga paninda, dito hindi. 

Comparison lang din naman, eto mga napansin ko dito sa palengke:

Kung sa atin pangkaraniwang tanawin sa isang palengke ang maiingay na tindero't tindera, Dito hindi. Mapagkakamalan kang sira ulo slash wat da paq no manner at walang bibili sayo. As much as possible kalmado lang sila. Walang competition, easy going, tawanan, walang pakilaman kung ano tinda ng kapwa nya tindera at tila walang rin pakialam kung may bumili man sa kanila o hindi. (Ganda ng life ha.) Kabila noon, walang kaadve-adventure ang mamalengke dito. Alala ko pa nung nasa Pinas ako, yung mga nagtitinda may game silang "Guess the Price".

 - 'Wow Pechay! mura lang siguro to. iniisip mo na mura lang kasi may kain-kain na ng uod. pero yun pla.. Ate magkano po ito?  treynta pesos lang po Mam'.  packing sheet! thirty pesos?!

Kung sa atin ay tawad dito, tawad doon ang mga mamimili, dito hindi. Kung ano ang presyong nilagay nila yun ang presyo na kailangan mong bayaran. Walang patawad.

Kung sa atin kapag may binili ka libre plastic bag, dito hindi. Dahil "environmental friendly sila" , minimize nila ang mga ito. Dito gamit nila basket o kaya naman stroller sa mga matatanda para comfortable. Kaya kapag mamimili ka, isipin mong magdala ng sarili mong bag o basket kung ayaw mong magbayad sa plastic lang.

At dahil kusing na lang ang natira sa bulsa ko at hindi ko na magagamit yung ticket, Napilitan na kong maglakad papauwi. Habang naglalakad ako papauwi, naisip ko nothing beats pa rin sa our local palengke. The unique smell, mga mapuputik na daan, mga imburnal na may mga susong hindi mo alam kung pano sila napadpad doon at mga karitong paliitan ng gulong. Mga masungit slash mataray na tindero, at ang iba naman ay sadyang mabait na sigurado namang kapag tinawaran mo ang kanilang tinda ay ibibigay naman kahit pabalik lang. Kaya maraming kasuki.