Ako at sila; Buhay sa Hungary

May salita bang tagalog na may letrang 'V'?
Bakit ka niya iniwan? 
Maganda? Pogi? Oo? Saang banda?
Anong klase ng katol ang mas nakakaadik?
Ano mabisang pampaputi ng Kuyukot?
Ano ba talaga silbi ng mga ipis?

     Habang tumatagal ako dito sa Hungary, unti-unti ko naman namimis ang Pilipinas. Sa totoo lang, mag-iisang dekada na akong wala sa atin. Wala na akong balak umuwi. Mahirap sa umpisa na mabuhay sa banyagang bansa lalo na't ako'y isang putapeteng laking probinsyano at laki sa hirap. Ang dami kailangan matutuhan.  Ugali, pananamit, pagkain, lengguwahe, pananalita  at kung ano-ano pang pampasabog ng utak. At siempre ang pinaka importante sa lahat, kailangang maging bukas ang isipan sa iba't ibang uri ng pag-iisip ng iba't ibang taong makakasalamuha mo. (Paksyet lang dba?)


Wala akong reklamo hindi totoo at ayos sa olrayt naman ang pananatili ko dito. Isa syang patay payapa at  nakakainip magandang bansa. Walang pamilyang nagbabangayan, nagsasaksakan, kidnapan, barilan, PDA na nagla-laplapan, mga taong sumisinghot ng rugby at asong malilibog sa kalye.

Dito konti lang kami mga pinoy. Mabibilang mo talaga sa iyong daliri. Masaya at kami kami lang din ang nag-aahasan nagtutulungan kapag may problema. Isa para sa lahat at lahat para sa isa. Ugaling pinoy ang maghanap ng kapwa kauri nya. 'Pinoy?'  kahit alam mo na hindi mo sya kilala. Malas mo lang kung yung pinagkamalan mo ay hindi Pinoy. Problema? hindi.  banatan lang ng ingles okay na.

Mas bihasa ang mga pinoy na magsalita ng tagalog kapag sila'y nasa ibang bansa. Nakakamangha din kasi ang lalalim pa ng mga salitang tagalog na ginagamit nila na sigurado namang hindi ka na makaahon sa kalaliman. Pero sa panahon natin ngayon, nakakarinig ka pa rin ba ng taong nagsasalita ng tuwid na tagalog? Madalang na siguro.  Naiitindihan ko naman kasi parte na ng buhay natin ito na kailangan natin matututo ng ingles. Pero imba lang e. Dinaig pa natin ang mga native speaker kung makapag salita tayo ng english. Napapanganga at napapatango na lang sila. Kaya naman meron na tayong sariling 'English', hindi yung taglish ha, yung totoong english language talaga. Kaso pang pinoy lang. Kung madalas ka mag-install ng software, alam mo ang sinasabi ko.

     Nakakabilib ang pagkakaiba ng buhay at mga bagay-bagay sa bansa na to kumpara sa mga nasilayan ko sa bansa natin.  Maganda ang kultura ng Hungary. Katulad ng ibang bansa dito sa Europa, sagana rin sila sa kasayasayan at walang sawa din na makabayan. Dito wala masyadong mataas na gusali. Nakakasira daw kasi ng tanawin. Kung sa Japan ay may hot spring, dito naman ay may thermal bath. Kilala ang bansa na to sa kanilang Medicinal Bath. Kaya naman kapag may 'ARAY' at 'AWW' faktor sila manong at manang, eto ang puntahan kaagad nila. Medisina? hindi uso gamot dito. Hanggat maari iwas sila sa mga gamot gamot  o kung ano mang tableta yan. Kung ako naman ang tatanungin mo, hindi ako mahilig pumunta sa mga ganitong lugar o sa mga palanguyan.  Dahil yung totoo, hindi ko alam kung ilang tao na ang umihi doon at manilaw na maberde ang tubig. Hiya rin ako ipakita ang mala Schwarzenegger kong katawan. Ako na ang makapal ang mukha.

Bukod sa mga naggagandahang lugar, masarap din ang mga pagkain dito. Kaya naman maraming barako at tabachoi na inaatake sa puso dito. Yung tipong sa sobrang katabaan nila ay parang pinaceasarean ang kanilang mga taba at pansin ang mala-alupihan na tahi sa naglolobohan nilang mga tyan. Ilang kilong taba na ba natanggal sayo?

Kung tayo ay mga fish-ivore, sila naman ay mga meat-ivore.  Malayo ang bansa na ito sa dagat kaya wala masyadong isda na pagpipilian. Dagat-dagatan lang meron dito. Kung tayo meron tilapia, sila naman meron Carp.

credit to the owner

Yung totoo? hindi ko gusto itong dambuhalang isda dahil masyado syang matinik at masebo.

Dito walang pagkaing kalye, kaya naman mapapabilis ang pagka homesick mo. Mamimiss mo ang pagtutusok ng fishball sa mahiwagang barbeque stick, Orange food coloring na hindi mo alam bakit hindi na lang naging asul? o dilaw? Sukang manilaw-nilaw na may lumalangoy-langoy na langaw at ang sorbetes na pinapalaman sa tinapay.

Madalas ko mapansin na dito hindi uso ang pagaraan. Kuntento sila kung ano meron. Pero siempre meron ka rin makikita na may mga laki rin sa luho. Yung tipong halos lahat na ng mga makabagong gamit nasa kanya na. Damit, sapatos, bag, telepono, kamera, kotse at kung ano-ano pa.

Mga tao dito sobrang bait at maunawain. Mas mabait pa sa mabait. Sa sobrang bait mapapatanong ka na lang sa sarili mo na' Bakit ang bait nya? May balak yata gawin sa akin to mamaya.'  Kung tayong mga pilipino ay kilala sa isa sa pagiging masayahin at pagiging optimismo, sila naman dito ay kabaligtaran lang natin. Kilala ang mga tao dito sa pagiging pesimista at problemado. Nakakaburat lang. Pero bilib ako sa kanila kasi kahit na ganito ang pagkatao nila, Marami sa kanila ang sumikat dahil sa kanilang indibiduwal na kakayahan at katangian.

Dito yung mga tao bukas ang kanilang pag-iisip sa temang sex kaya naman kahit sa mga tabloid at peryodiko ay makakakita ka ng mga nakakapantulo laway na mga litrato. Ang lakas maka tigas etits. Kung sa atin may puta at pokpok, dito rin meron. Pinagkaiba lang hindi sila exotic. Sa atin kahit panget ayos ng maging pokpok at puta, dito naman maganda lang ang mga tanggap. Kinakareer nila ito. BS kaseksihan major sa kaputahan. Patalbugan sa ganda, kaartehan, kalandian, paramihan ng target at masasabi mong tunay silang "Luxury Bitches".

Pero siempre eto ay aking opiniyon lamang. Ito ay base sa karanasan at mga napapansin ko lamang. Kung ikaw man ay nabulabog sa aking kwento, 'wag mag-alinlangan kontakin ako at mata mo lang ang walang laway. Sya sige sayang ang kuryente tapusin ko na dito.   kindat kindat sabay hampas sarado ng lampara. 


Ito ang aking lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan : Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy.