2 in 1

oo na, mag-aupdate na ko.  ayoko  talaga mag-update dahil literally wala akong gana magpipindot ngayon ng aking keyboard at bumabansot na ang aking mga daliri sa kaka press ng mga keys. Yung dati kong middle finger na kasing haba ng etits ko kapag nag-erect, ngayon kasi haba na lang ng hintuturo ko. Hindi na rin tuwid ang mga daliri ko. Kahit si hinliliit crooked na rin. Packing sheet!

Anyhow ni hao, dahil Feb14 ngayon, gusto kong batiin ang aking bigtime friend sa plurk ng Happy Happy Birthday at Happy Valentines Day. It's been two hekabol years na rin since nung huli kang nagparamdam sa akin.


Sa totoo, sya aking first. By first what I mean is sya ang una kong tinuring na tunay na kaibigan sa mundo ng cyberworld, at sya rin ang naging una kong girlfriend via cyberworld. Girlfriend sa net?  Just how looser naman ako noon dba at sa internet pa ko nagkaroon ng girlfriend.

 So why not date a hungarian girls? or any foreigner or asian girl? GET A LIFE OUT THERE MAN AND HAVE SOME BALLS!

Hindi ko alam. Shit happened.

Nakilala ko sya sa mundo ng Plurk. Kung hindi mo alam kung ano ang Plurk, ito ay isang micro blogging na karibal ng Twitter. So yun nga, araw-araw lagi syang nagrereply sa mga post ko at habang tumatagal napapareply na rin ako sa mga post nya. Sa tuwing online ako, online din sya. Minsan hintayan pa kami mag-online. Long story short, naging matalik kaming magkaibigan hanggang sa isang araw ay naramdaman ko na lang na nagkakaroon na ko ng feelings sa kanya. at ganun rin sya sa akin?(speculating)

So ayon, hindi na mahirap hulaan, naging kami. Katulad din ng magnobyo at nobya may tampuhan ding ngyari sa amin pero we still ended up laughing and loving again together. LDR kami kaya mahirap mapanatili ang relationship namin. Trust lang talaga ang ginagawa namin sa isa't isa paralang tumagal ang aming relasyon. Hanggang sa isang araw...

Nagmessage sya sa akin na pupunta na sya ng states. Long story short, doon na nagkalokoloko ang relasyon namin. Madalang na syang makapag-online, kadalasan inaabot na ko ng madaling araw na gising kakahintay sa kanya umaasa na baka sya mag-online. Time difference kaya ako na ang nagtsatsaga na hintayin sya. Hindi ko alam sya rin pala hinihintay nya ko, pero minsan kapag online na ko wala na, naglog-off na sya.

Hanggang sa isang araw nag-message na lang sya sa akin at sinabi nya na 'paalam'. Nung una hindi ako naniwala tapos ayun nga, weeks and months past hindi na nga sya nagparamdam hanggang sa isang taon na ang lumipas at don na kong napilitan na mag-move on.

At eto naman ang shocking moment ng pagbabalik nya.

So nakapag move on na nga dba, I ended up falling inlove na uli, this time I ended up falling inlove sa isang katipunerang babae. Nung araw na mismong sinagot ako ng nobya kong katipunera na nakilala ko rin sa plurk, tsaka naman sya uli nagparamdam. Anak ng puting katipay! Wat da faq! Maiiyak ako na maiinis na gusto kong pumatay. Ganda ng timing!

At eto pa, kasi nga on that time na sinagot ako ni katipunera, hindi ako nakapag-online ng dalawang linggo sa kadahilanang may errand akong ginawa. Pagbalik ko, si katipunera nakipag-break sa akin at bumulaga naman sa aking ang pagbabalik nung isa. Sangkaterbang post at patama ang mga nabasa ko sa kanila at  kailangan kong magdesisyon kung sino sa kanila ngayon ang mamahalin ko.

Mahirap na desisyon sa akin dahil parehas ko silang mahal. And long story short, I ended up choosing si Katipunera at we ended up being friends na lang. At tuluyan na syang hindi nagparamdam sa akin. Masakit pero wala ako nagawa. At kamusta naman ako ngayon? Dahil nga sa ngyari, araw-araw unti unting nawala ang tiwala ni katipunera sa akin hanggang sa ayun.... may shit happened uli na ngyari at tuluyan ng nakipagbreak sa akin si katipunera. Wala na. Ako pa ngayon ang nganga. *sigh*

Magandang alaala na lang.

Pero again, etong post na ito ay hindi para irecall ang mga bitterness na ngyari. Gusto lang kita batiin ng Happy Happy Birthday and Happy Valentines Day. NO GOODBYES , ONLY HAPPY MEMORIES.