That bwiset moment..

Sino may sabi madali ang spanish language?

Tangina lang, hindi ko aakalain na magiging ganito kahirap ang test sa spanish language. Hindi naman higher level yung test. Nag-aral pa naman ako. kakapeste lang. Yung feeling na nag-aral ka tapos worthless yung mga pinag-aralan mo. How annoying naman yon dba? Pero ya, shit happened. I learned my lesson and better luck next time na lang.

Yung nagcomment si Crush sa birthday greeting ko sa kanya tapos hindi nya nilike.

Parang nakakadepress lang yon promise. Ganito kasi yung greeting e..
"siguradong sa oras na mabasa mo to ay tapos na ang iyong kaarawan, pero kahit na ganon e babatiin pa rin kita. better late than pregnant ika nga so eto na, Kriska, Happy Happy Birthday!! (with feelings). marami akong gusto iwish kaso ang dami ng nagwish sayo at siguradong wapakels ka na sa mga wish na paulet ulet kaya cutting the crap short, best wishes na lang.
 at siempre magiging pranko na rin ako na may pagtingin pa rin ako sayo. (pagtingin talaga cy? ) Hindi mo lang alam, kinikilig ako habang sinusulat ko to. (pakshet lang promise na stranded ako sayo. hindi ako makapag move on.)
 pero ya, wala itong anumalya o naghahangad pa ng ibang intensyon. bumabati lang."-
well, kung babasahin mo nga naman yung greeting ko sa kanya ay sigurado namang mababatukan at mapepektusan mo ko sa asar. sino ba naman ang bumabati ng ganyan?

Mga poop adik

Simula ng nauso yang poop icon na yan, tungunu lang...  Facebook pages puro poop ang reply, picture nila poop din. Hindi pa nakuntento at nagpost pa talaga ng real poop. Yung poop na sigurado namang iluluwa ng bituka at kalooblooban mo. Kadiri lang promise.


Yung PBO member ka tapos wala ka nacontribute sa kanila.

 ("ka" na lang dahil ayokong sisihin ang sarili ko. lol) pero yung totoo? ano silbe? hindi ka na nga nagdonate ng pera, hindi ka rin tumulong sa dapat na itulong, at hindi ka pa pumunta sa event...  aba e hiyang hiya naman sila sa iyo. bigti ka na lang kaya?