Masarap ang pancit canton kapag may konting sabaw-sabaw...

ayoko talaga ng pancit canton na tuyo. gusto ko yung may sabaw sabaw yung may hihigupin ka kahit naubos mo na yung canton. At yung totoo, kulang sa akin ang apat na paquete. (hangtakaw lang?)

Anyhoo..,gusto ko nga pala magpasalamat sa lahat ng bumati sa aking kaarawan. Pinasaya ninyo ng bigtime ang inyong pareng cy. Natuwa rin ako sa mga nageffort talaga na gumawa ng greetings para batiin ako. Hindi nyo lang alam pero abot tenga ngiti ko with matching bungisngis on the side. Minsan lang kasi. At siempre, disappointed din ako sa iba. Disappointed to the point na hindi ka talaga makapaniwala na hindi talaga sila bumati kahit yung the next day ba na pahabol? At alam mong online sila. *sigh*  ayos lang,  naiintindihan ko.

At si crush naman, parang wala lang sa kanya. (feeling ko lang) Isang maikling 'happy birthday' lang ang pinost at hindi man lang nag-effort na habaan. (galit siguro sa akin.) pero maligaya ako atleast binati nya ko. I didn't epxect more to begin with dahil sino ba ako sa buhay nya dba? isa lang nya akong bigtime admirer. Wala din naganap na iyakan portion.

Oo nga pala, sa mga nagpapagawa ng art o ng doodle pasensya na ha kung natatagalan. Gumawa ng art ay di biro kasi e. (may ganon?) oo stressy sya.  Kailangan talaga ng mahaaaaaabang pasensya.  Wala pa naman ako non. Atsaka this past few days ewan ko ba pero umiiral ng bigtime ang aking katamaran.  Pero ayos lang, nakukuha ko pa namang mag-basa at mag-koment sa inyong mga entries at paglalandi sa katipunera kong ex. Oo malandi talaga akong nilalang kaya nga ex ko na lang sya dba? at single pa rin ako hanggang ngayon. awts lang.

Sasali nga pla ako sa  Bagsik ng Panitik 2013 na pakulo si Ser Bino sa kanyang Damuhan.  Isa pa tong nakakastressy na pagsubok sa akin kasi hindi naman ako ganon kagaling magtagalog at magaling umimbento ng kwento, tula, nobela at kung ano-ano pa. Pero yaka ko to. Malayo pa naman ang deadline at hindi ko kailangang magmadali. Slowly but surely. Pero imba lang kasi may nag-submit na ng kanilang entry at literally napanganga ako sa kanilang likha. THEM ALREADY!