Birthday, isang araw na sikat ka.

Yung totoo, sa tuwing birthday ko ang lagi ko lang inaabangan ay ang pagbati ni crush, ng mga kaibigan ko at ang mga nakakakilala sa akin. Walang  espesyal. Ayos lang sa akin kahit walang handa o walang pambirthday basta may matannggap lang akong regalo masaya na ako. Kuripot lang e noh? I know right. Basta, basta may nakakaalala sa akin happy happy na ko. Sagad tenga ang ngiti, overflowing sa appreciation.

Sa totoo lang marami akong wish sa sarili ko. Pero aanhin ang sangkaterbang wish kung hindi naman matutupad dba? Kahit sumulat pa ako kay Bernadette Sembrano sa programa nyang Wish Ko Lang ay sigurado namang haggard ang ending nya sa wish list kong hindi nya magagranted.

Masaya ako kapag may nag-effort sa akin kahit hindi ko banggitin na malapit na ang kaarawan ko. Grabe lang, nakakatouch yun promise. With matching kilig at konting kirot-kirot sa heart.

Hindi ko pa alam kung ano gagawin ko sa day ng kaarawan ko, pero isa lang ang sigurado, iiyak ako.

Ang drama lang?