Yung totoo...

Hirap talaga mag-isip ng title lalo na kung random post lang din naman ang ilalagay mo. Random, Rumarandom, Random Random din,  Random Thoughts, Random Keme, Random Peg, Random 101, Random Whatever, Karandoman. (paulet-ulet?)

Final Exam ko na sa next week for this semester at hindi pa rin ako nagrereview. (stock knowledge talaga?) Hindi naman sa batugan ako pero ayoko na talaga. Sawa na ako.  Unmotivated na ko sa lahat. Hindi ko na alam kung pano ko tatapusin ang lahat ng nakapilang gawain ko dahil lagi na lang ako may nasisimulan. katulad na lang nitong blog layout update na ginawa ko. Feeling ko parang walang nag-bago

Na send ko na yung mails ko kay pareng archie at pareng jon. sana naman matanggap nila iyon bago mag-pasko.  At para talaga umabot, pina airmail ko na at first priority din. O dba!  Ganyan ko kayo kamahal. with love.

Natutuwa akong malaman na nagustuhan ni Pakner yung ginawa kong doodle sa kanya. At teka, may issue?

Winter na dito sa Hungary at kanina ko lang naramdaman. November ang start ng winter (for the most part) pero ngayon lang bumaba ng ganito ang temperature. May gudness,  hindi ko kinerry. Pakiramdam ko para akong nasa siberia na naka brief  lang at kulang na lang ay vodka at pickles.

Marian at Dingdong, lumalabo ang wedding bells! (wtf?)

WEATHER UPDATE
 'Pablo', tumama na sa kalupaan ng Baganga, Davao Oriental.