Dear Tatay, Maligayang Kaarawan. (Isang sulat na hindi mo mababasa.)

     unless na alam mong may blog ako. pero alam mo po ba ang tungkol sa blog? sigurado hindi. parang ito yung notebook mo nun kung saan kinukuwento mo kung paano mo naiskor si nanay, oo nabasa ko mga yun akala mo. ang kaibahan nga lang neto eh gumagamit ito ng kuryente, kumbaga kapag nagkamali ka ng spelling bigla ka makukuryente sa bayag, hahaha. isang dekada na rin ang nakakaraan nung huli kitang makita. kamusta na kayo ni nanay? sana naman ay okay lang kayo dyan. (well i bet siguradong okay na okay dahil yung sakit ng ulo ninyo ay wala na dyan.) at dahil kaarawan mo ngayon at ayokong aminin na mahal na mahal kita, ikaw ang magiging topic ko for today. dedicated ko sa iyo ito. O dba, gagawin kitang artista dito.

tay, nasabi ko na ba sa iyo kung gaano ako ka PROUD sayo? walang sinuman ang naging perpektong magulang, pero ikaw ang masasabi kong "THE BEST".

- the best erpat. (sangkaterbang pangaral at ambisyon.)
- the best husband(under kay ermat)
- the best cook (wow leche plan! anak hindi yan leche plan, taba yan ng baboy. nanigas lang dahil malamig kagabi.)
- the best teacher (dinaig pa ang teacher kong may degree sa teaching.)
- the best driver (aatakihin ka sa puso na yung feeling hindi mo na makikita ang bukas.)
- the best gardener (puro buko ang tanim)
- the best technician (wag mo papagawa iphone mo sa kanya. sira yan)
- the best doctor (papainom lang naman nya sa iyo yung home made honey-bawang syrup nya. yung sakit mo?, bukas, wala na...)
- the best labandero. (kahit gano kaitim at kadumi yang damit mo, palaba mo sa kanya, brand new ang dating. magic? hinde. tatay ko lang.)
-at the best singer. (pwede sila mag-duet ni jimmy santos.)

idol ko talaga ang tatay ko. kahit hindi sya katulad ng ibang ama na nabibigay lahat ng gustuhin ng anak, hindi naman nya kami pinapabayaan at ginagawa ang kanyang makakaya para kami'y mapasaya, mapabuti at lumaki ng diretso at nasa tamang daan. ang tatay na sigurado namang walang kapares. hiling ko lang sa kaarawan mo, itigil mo na yang pag-inom at paninigarilyo mo.  hindi mo yan ikakahaba ng buhay.