bago mo ituloy yang pag-papakamatay mo..

tabi ka muna sa akin dito at pakinggan ang aking hinanaing. pasensya ka na kung naabala ko ang iyong pagpeprepara ng iyong pagpapakamatay. gusto ko na sanang matulog kaso ang daming bumabagabag sa akin kaya napilitan akong bumangon. madami as in madami oo sangkaterba talaga. pero alam mo yung malaki kong problema? parang wala lang ako pake at imbis na simulan ko solusyonan yung mga pasan kong problema e binabalewala  ko lang. pakiramdam ko hinuhukay ko na ang sarili kong libingan. ang dami ko gustong gawin pero sa dami ng mga nasisimulan ko hindi ko alam  kung ano ang una kong tatapusin. konti ang oras sa lahat. gusto kong i-time manage yung sarili ko kaso lagi nahahantong sa wala. lagi na lang unproductive day ang araw ko. naiiyak ako at bakit nagagawa ko ito sa sarili ko. hindi naman ako ganito dati. pero bakit ngayon parang lumalala ang aking katamaran. kulang lang ba talaga ako sa motivation? sa pag-ibig? sa tyaga? o sadyang super duper hyper homesick na ko? ewan hindi ko alam. sana naman bukas pagkagising ganahan na ko. ayoko na ng ganitong paulit-ulit na araw na wala ako naaaccomplish. hindi ko ginusto ang ganitong buhay pero bakit ganito? hindi ito ang adult life na pinapangarap ko. ayokong sisihin ang ibang tao dahil i have a choice to change my current situation. *sigh* ewan... pasalamat na lang ako at kumakain pa ako araw araw at may silungan. gusto ko magsikap pero pano ko tatanggalin ang aking bigtime katamaran? pano? sawang sawa na ko sa ganitong lifestyle. at isa pa, bakit ganito yung pamilya ko? ang hilig makipag kompitensya sa angkan namin at sa other family side ko. PUTANGINA LANG TALAGA. with feelings. WHO CARES?!!!  who cares kung lawyer sya, o engineer, doctor, nurse o professor pa sya? pake ko kung may master degree sila o ilang diploma meron sila? pake ko ba sa kanila? may sarili akong buhay at ayokong tumulad sa kanila. gusto ko lang mabuhay ng simple. hindi ko kailangan ng sangkaterbang accomplishments para mapansin ako. wala akong ambition sa buhay? kontento na ko ng ganito? hinde. oo hindi ako kontento sa buhay ko.  pero ayoko rin ng buhay na gusto nyo sa akin. sya..., sige, salamat sa pakikinig. nagsisimula ng uminit ulo ko. babalik na ko sa kama at pipilitin ang sarili na matulog na. enjoy killing yourself.