Walang sawang patayan.

kinupit kay pareng google
     Ang daming paraan para iahon ang sarili natin para mabuhay at kumain araw-araw pero kailangan ba talagang pumatay ng tao? Kapag gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan. Hindi dahilan para pumatay ka kung pinanganak kang mahirap. Dahil maraming mabuting paraan para mabuhay dito sa marahas nating mundo. Buti pa ang taong bundok, marunong mabuhay kahit walang pera.

Yung totoo, kailangan na talagang ipatupad yang death penalty na yan para naman matigil ang patayan sa ating bansa. Napipikon na talaga ako kung bakit ayaw imulat ng mga mga mamayan natin ang kanila mga mata sa katotohanan na sa ating bansa eto talaga ang mabisang solution sa lumalaganap na patayan. Hindi na talaga sila titigil hanggat walang malupit na parusang naghihintay at katumbas ng kanilang immoral na gawa. At wag kang impokrito/a dahil seryoso at malala na talaga ang ngyayari sa ating bansa maraming namamatay na mga inosenteng tao dahil sa mga walang kwentang tao na masayang pumapaslang. Kung alam nilang mali ang pag-patay, bakit pa rin nila iyon ginagawa? Ang mga taong walang galang sa buhay ay kailangang parusahan yun lang.

"no innocent people get executed".-