unproductive thursday

*Sigh* wala na talagang mas sasaklap pa sa isang araw na unproductive. Kamusta naman yon dba?  Pakiramdam ko nagpalaki lang ako ng bayag ngayong araw na toh.

Ang aga ko naman nagising kanina, pero bakit ganito, unproductive. =(  Ang plano ko ngayong araw na ito ay tapusin yung mga requirements na kailangang isubmit ngayong weekend pero PLAN FAILED. Task 1:  Comparison of the Economic Development of England, France, Italy, Germany at the end of the 19th Century Task 2: Presentation for Research and Methodology Task 3, 4 : Report.  Apat na requirements at mi isa walang tapos.GOOD JOB CY!

Dahil ayokong manatili sa apartment kanina, naisipan kong tumambay sa favourite hidden lungga ko. Tambay ako kanina sa mcdo, walang ngyari. Tambay ako sa central library wala rin akong natapos. amfufu lang. =.=" Alam mo yung feeling na nadadalian ka sa task pero ang hirap pala?

Eto nga pla yung Central Library dito sa Budapest


Isa syang pahabang building na may interior na ganito

Favourite place ko? Doon ako 2nd floor literature section kasi laging maraming bakanteng upuan at maraming nerdy cute girl na matatabihan. yihiii..


at eto naman yung favorite mcdo place ko. Maliit sya kung titingnan mo pero kung papasok ka mapapawow ka kasi may underground eating place sila na bihirang malaman ng iba kasi madalas take out ang ginagawa ng mga customer o kumakain lang sa main floor.  Perpektong lugar yung underground eating nila for meeting people or just to be isolated with the crowd.

Buong araw nandon lang ako sa library at inubos ang oras sa kakagawa lang ng Task 1.  *sigh* nakakabadtrip ng bigtime. At dahil may bayad yung wifi sa library, patay sindi yung gamit ko para habang gumagawa ako e hindi nasasayang yung time. Sulit din naman yung bayad kasi nagdadownload din ako ng mga palabas na pinapanood ko tuwing gabi. Adikted ako ngayon sa panonood ng Gordon Ramsay's Cookery Course. 

At dahil buong araw akong nakaupo, naisipan kong umuwi na lang ng naglalakad. At kamusta naman yung two and half hours kong lakad dba? At habang naglalakad, sa dami ng kantang nakalagay sa ipod ko, apat lang na kanta ang pinakingan ko na pinaikot-ikot randomly. 









Nakasalubong ko pa yung former classmate kong rokera at junior friend kong gay guy. Seryoso, hindi sila nagbago. lol  ganung ganon pa rin sila.