AMALAYER, so bitch yet so cool

Yung totoo, ang dami talagang taong mapanghusga. Ng dahil lang sa video na hindi naman ganap ang buong pangyayari e kung ano ano ng mga negatibong feedback ang binato nila kay Amalayer. Tao lang nagkakamali din. At sus ko po mga netizen sobra kung makareact kahit hindi alam ang pangyayari hala bira sige banat pa rin ng banat. Inggit at insecure lang yan promise kasi hindi nyo kayang tumayo sa inyong mga paa at ipaglaban ang inyong karapatan. Tandaan ang bansa natin ay free country. It's a matter of acceptance lang yan. Kung hindi mo kayang tanggapin yung ginawa nya just leave it at wag mambato ng mga masasakit na salita. Kahit ganung imba yung english at dumadamubs pa, nagawa nyang ipaglaban ang sarili nya. Yun nga lang sa maling paraan. Wala sa lugar, maling moral at mukang hindi edukado.  Kawawa si Ate Guard?  sa totoo lang hindi ako naaawa. Hindi naman magkakaganon si Amalayer kung walang nagawang masama sa kanya si Ate Guard.  Pero ya, cause and effect at opinion ko lang toh.