yun lang

kamusta naman yung umaga kong kay ganda dba? dahil "cool" akong natural, kaninang umaga atlast nakilala ko rin yung dalawang asian na kaklase ko sa Study and Research Methodology. isang mag-ate na galing sa Laos. sa totoo madalang yung  asian student sa school ko pero unti unti ng dumadami. At ayun, nagsimula sa "hi"at nahantong sa ngiti. YUN O! dumadamubs! magandang dilag sila ngunit pansin na parang may age gap. duda talaga ako kaya nung pag-uwi ko sinubukan kong hanapin sila sa search engine and ya, BOOM! nakita ko yung isa sa magkapatid at grabe ha kaedad ko lang pla yung isa. (tuwang tuwa)

at kamusta naman yung awkward moment na yung professora namin ay hindi makapag turo ng mabuti dahil nag-iingat sa mga words na gagamitin nya kasi sex yung topic. yihiiii...  pero seriously, ano ang kinalaman ng sexual drive, at homosexual sa course ko? ano connection nito sa kursong Tourism and Hotel Management?

at gusto ko nga palang batiin ang isa sa mga matalik kong kaibigan nung highschool na ngayon ay blogger na dito. Mag-iiba na daw kasi yung plat form ng multiply kaya sya lumipat dito haha.. Isang proud pinay na hustler mag-blog ng english. Ikaw na talaga bespren! IKAW NA!! XD