Malandi ka.

 

     MALANDI KA sa mata ng isang tao kung masyado kang palakaibigan sa opposite gender mo, mapababae ka man o lalake. MALANDI KA RIN kung in a relationship ka na tapos ang dami mo pang crush at hindi ka pa makuntento at kumakarengkeng ka pa. Yan ang kalandiang sagad sa buto. Siguradong kinuhang course ay BS Kalandian Major in pang-aagaw. At alam mo ang malala pa ngayon? Pati pangit malandi na rin. Malandi to the max pa!

     Kung hindi lang kasalanan ang pumatay, madami na siguro napatay na malandi. Pero seriously libu-libo man ang lumalandi sa'yo, depende pa rin sa’yo kung magpapahulog ka sa tukso. At 'wag mong antaying ang nanay mo pang magpamuka sayong malandi ka.

Pero pano kung sadyang natural ang pagiging malandi mo? Ano gagawin mo? Masama ba? At ano ba ang pag-kakaiba ng totoong malandi sa natural na malandi?

      Ako sa sarili ko aminado akong natural na malandi.  Malandi na sigurado namang kakadeds. Kaya naman hanggat maaari iwas iwas din. Wag na wag kang mag-papahuli sa kanila na kinakausap mo yung syota nila baka humantong pa sa rambulan at worst case sa hospital. Kung bulkan nga pumuputok, mukha mo pa!? Ano daw? Gay guy ka kasi masyado kang maraming kaibigang babae na generally abnormal sa kalalakihan ng Pinas.  Bading na kaagad ganon? Hindi ba pwedeng pala kaibigan lang? Kung may syota ka man o kung bababe ka mang bumabasa nito.. siguraduhin nyo na sya lang ang lalandian nyo ng wagas kung ayaw nyong matulad sa akin na forever alone.


     Hindi masama ang maging malandi katunayan pa nga dapat mo ipagmalaki na malandi ka dahil natatangi kang nilalang dito sa balat ng lupa. (seryoso ka?)Pakelam ba nila kung malandi ka. Hindi naman nila ikakaganda yung hating e dba? Ingit lang sila dahil may isa ka nang talent para makasurvive dito sa marahas nating mundo. Pero siempre dpende nga lang din kung anong klaseng kalandian meron ka. May dalawa kasing kalandian meron e. Natural na malandi  at Totoong Malandi. Ano pinagkaiba ng dalawa?


Natural na malandi:
- ngumingiti kahit na kanino (kahit hindi kilala nginingitian. huh? )
- may standard (electric fan lang dong? )
- may good sense of humor. (wehhhhh...  d nga?)
- very open sa kanilang buhay. (lantaran dre!)
- at natural sa sarili. (teka natural din naman ang totoong malandi a? )


Totoong malandi:
- malandi talaga. (nyek!)
- may intensyon at handang lumagpas sa boundary.
- papansin
- may exposing na nagaganap. (pare ulam!)
feeling Aladdin (may pahimas-himas pang nalalaman sa parte ng katawan ng nilalandian nya. parang magic lamp.)

Pero sa huli kahit anong klaseng malanding tao ka pa, malandi is MALANDI! yun yon! tapos!  Kamumuhian ka pa rin.

atsaka wag kang mai-inlove sa malandi. at most landiin mo rin! pero kung makulit ang puso mo, sige lang. relative naman yang pagiging malandi e. 


Hypothetical question: Paano at bakit ka lumalandi?  Kwento naman dyan. Hindi pwedeng ako lang.