Ako na!

     Oo ako na!  ako na ang nag-linis ng isang linggo! Kamusta ang bonggang bonggang sakit ng katawan at kamay na namaga sa kakahilod, kakaskoba, kakagrasscutter, kakabunot ng damo at kakawalis ko? Pero ayos lang, kasi hindi ko alam na sa kabila ng aking pag-hihirap may kapalit naman. Isang kapalit na sigurado namang pinangiti ako hanggang gilagid.

     Sa sobrang pagod pati pag-titikol ko araw-araw ay hindi ko rin nagawa. O san ka pa? Isang kaligayahan lang ng katawan ko hindi ko pa nagawa dahil sa pagod ko. Pero nakakabanas din yung nagpipilit kang maglinis kahit wala ka ta-mod. Kaya may araw din na tinamad talaga ako at ginusto ko lang gawin buong araw ay tumunganga, humilata at mag-palaki ng betlog.

   At bukod sa paglilinis, may bonus pang paghuhugas ng sandamakmak na sirwelas. Oo, LITERALLY inisa-isa at hinugasan ko na parang maduming bola ang mga sirwelas. Alam mo yung masaklap? hindi ako yung kakain. amfufu lang. Ayos lang sana kung ako yung kakain e...  atleast yung pinag-paguran ko nasulit. pero hindi e.