SimSimi ang bibong robot na may isang bangs na kulot.



Ang bagong kinaaaliwan at kinababaliwan ng mga tao ngayon. Sa totoo hindi na sya bago, kasi nung 2002 pa sya nadevelop by ISmaker (Korean tech company kung hindi mo alam.) at ngayon lang sya lumaganap sa pinas na parang epidemic. Kung ignorante ka pa at hindi mo alam kung sino si Simsimi, isa syang robot app and artificial intelligence conversation program.  App sya sa adroid tsaka sa iphone. Kung hindi ka naman iphone o android user, pwede mo syang masubukan sa facebook o punta ka lang sa www.simsimi.com at pwede ka ng makipag usap sa kanya at saluhin ang kanyang makanonsense at nakakabarang response sayo.