Kaliwete me!! ehehehe... *ngisi*


     Nitong mga nakalipas na araw, unti unti kong naapreciate ang pagiging kaliwete ko. Hinde naman sa ngayon ko lang narealize na ganito pla kami ka special o great (matagal ko ng alam yan) Sadyang may nagpadilat lang ng malaki ng aking mga mata na I should be proud of being a left handed. chos!

     I'm left-handed, therefore, I am cooler than you.!  HAHAHA.

     SABI NILA pag kaliwete maganda daw magsulat. weh d nga? ba't ako hindi? Parang kinalkal nga ng  manok yung handwriting ko.

Pag kaliwete daw magaling daw sa math ?? e bakit ako hinde? I even barely pass the math. At kung minamalas malas pa ko e kailangan ko pang mag-repeat.

Magagaling daw sa analize o analization karaniwan mga engr. o mga related field. Huh? Totoo?
Kasi daw high IQ.

Creative daw. (thingking of myself how creative i am. conclusion: pwede na rin.)

At ang mga right handed people daw malakas mag-j*?~  hehe.

     Ayon pa sa mga sabi sabi, ang pagiging kaliwete daw ay sign ng physical defect o syndrome. Ano daw?  o.O??

     Pero paano nga ba natin nalalaman kaagad kung ang isang tao e kaliwete?

     Karamihan sa atin ang unang basihan para malaman kung kaliwete ang isang tao ay kung sumusulat sya sa kaliwa nyang kamay.  Kung ako ang papansinin mo at pagmamasdan habang nagsusulat,  hindi mo masasabi na kaliwete ako kasi kanan ang gamit ko sa pag-susulat. NYEK?! anak ng paedocypris!!! ano ngyari sayo Cy?!  kaliweteness failed? *shrug*

     Marunong akong magsulat sa kaliwa pero dahil nga abot ang pangaral sa akin ng magulang ko na gamitin ko ang kanan kamay ko sa pagsusulat, naisatabi ko ang pagsusulat sa kaliwa kong kamay. Naaalala ko pa nung bata ako si madir pinapalo pa yung kamay ko pag kaliwa ginagamit ko panulat. Gusto nila sa kanan ako matuto. May pag-iisip pa nga silang baka kumaliwa ang landas ko. tsk. Pwersahin ba kong sumulat sa kanan. Wala namang masama kapag kaliwete a.

     Pero dahil nga nabubuhay ako sa mundo puno ng mga taong kanan, kailangan kong magtiis at magdusa para mabuhay.  CHOS!  ang drama mo CY! Oo ayos lang gamitin tong mga right handed tools na to using my left hand. Yang gunting na pangkanan, ayos yang gamitin sa kaliwa. awkward moment talaga. pero ayos lang. Kahit yang camera na yan. oo ayos lang talaga. matututo akong gamitin yan gamit ang kaliwa kong kamay.Magsulat sa right armchair, oo ayos lang. Dahil marunong akong magsulat sa kanan kong kamay. =P

     E ikaw kaya mo bang magsulat sa kaliwa mong kamay?



Fun Fact:

Alam mo ba na kapag kaliwete ka sa kaliwa mo nginunguya yung pagkain mo?

Based sa observation and experience, mga left handed daw di masyadong na alagaan ng mga parents kaysa sa right handed.