feelingerong munge

 kelan ko lang sya nakilalala at hindi naman kami madalas mag-kita pero meron something e..  Q: saan ko nga uli sya first time nakilala?  ( sa immigration office).  classmate at kaibigan sya ng nakilala kong pinay na international student  na nagmamaster dito for 6 months sa budapest na  kaibigan ko na ngayon. taga russia sya at hindi ko maikakaila na maganda sya. yon o! tangina mo cyron! pero alam mo yung nagpatibok ng mabilis sa puso ko? feeling ko may gusto sya sa akin. huh? anoh? tindi mo chong! pano mo naman  nasabi yan? kasi lagi nya kong pinupuri, sana daw makahanap daw sya ng lalake katulad ko. sana lahat daw ng lalake katulad ko, sana ako na lang daw ang boyfriend nya. etc.  at hindi ko alam kung papaano nahantong ang mga tanong na hindi ko inaasahan na itanong nya sa akin na... cy may girlfriend ka na?  cy pwede ba kitang maging boyfriend?    

munge dba?

pero alam mo perst taym na may nagsabi sa akin ng ganito. sa totoo wala naman espesyal sa akin e. hinde naman ako gwapo, hindi naman ako matangkad, hindi naman ako matalino, hinde naman ako mayaman at higit sa lahat hindi ako bading. hahaha. XD  *ngisi*

may gudness!!!  kapag ito'y nagpatuloy pa, baka halikan ko na lang sya ng wala sa lugar. at alam mo na kasabay non.

*TAKBOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!*