OJT Week 2 Day 9

  it's now 0:22 am na ng hating gabi dito sa budapest, sabado... peb 4, 2012. kamusta ako?, eto kakauwi lang galing ojt. pagod, nagugutom, masakit ang lower body at higit sa lahat malungkot. malungkot kasi kahapon nakipaghiwalay na sa akin ang bebe ko dahil sa isang entry ko tungkol sa bago kong kaibigan na hindi ko dapat pinost dito at dapat ikineep ko na lang sa sarili ko.(kumikirot ang puso)

sa totoo lang, wla naman talaga sya dapat ikagalit dahil kaibigan ko lang naman yung tao. bihira lang naman kasi ako magkaroon ng kaibigang pinoy dito. dahil lang sa word na "DATE" nagkaganon na ang bebe ko sa akin. iba nga naman talaga ang nagagawa ng mga salita. kung hindi ka mag-iingat may masasaktan. ekspresyon lang naman kasi yon. hindi naman nya kailangan dibdibin yung mga sinulat ko. hindi na nga bali, hayaan ko na lang sya humusga kung anong klaseng tao ako sa kanya. wla rin naman ako mapapala kung makikipag talo ako. ang saakin lang maunawaan at maintindihan naman nya na hindi ako ganon lalakeng iniisip nya at hindi ko sya pagpapalit dahil sya lang ang mahal ko at wala ng iba. oo alam ko ldr kami kaya maraming misunderstanding. oo kasalanan ko kasi hindi ako nag-iisip. tao lang pasensya na. saloobin ko lang yung mga nandito. pasensya na kung minsan hindi nyo maintindihan madalas yung sinusulat ko.  (nakatulog sa pagod)

(kinabukasan)

   balik tayo sa ojt training ko. so kahapon 3 to 11 ng gabi ako na ka schedule at grabe this time it's a "ballroom". shitness! siempre ilang tao yung kailangan naming pagsilbihan. walang imposible kasi teamwork ang move namin. nakakataranta nga lang kasi konti yung oras namin sa lahat at kailangan fast and efficient. at siempre dahil trainee pa lang ako, mostly ngayon ko pa lang natututuhan yung mga bagay bagay na dapat ko malaman dito sa field na to.(physically)

masaya ang gabi dahil kita namin sa muka ng mga tao yung kaligayahan na enjoy nila yung place, yung mga pagkain at mga bagay bagay na hinanda namin at siempre yung good vibes ng kapaligiran. sulit talaga ang pagod.  at siempre kami rin masaya kasi kapag may sumosobra sa pagkain kami ang kumakain. hahaha.  kasi yung mga nagluluto o yung mga gumagawa ng mga pagkain hindi sila gumagawa ng sakto sa mga tao. kailangan may reserva kung sakaling man na marami yung taong dumalo o pumunta.  at siempre hindi basta basta yung pagkain. luxury food!  o san ka pa! busog lusog!