OJT Week 2 Day 7


 so sinimulan ko yung training ko kahapon ng hapon ng alas 3 at siempre as usual maaga na naman ako pumasok.  3 to 10 ako kahapon naka schedule at  sinimulan ko na naman yung training ko sa pag-aaayos ng mga lamesa, paglalagay ng kutchara, tinidor bla bla dahil nga may dinner party sa alas syete ng gabi. siempre team work para matapos kaagad yung trabaho namin. at eto na, simula na naman ang mga mauusisang tanong tungkol sa akin. kahapon marami na naman ako nakilalang mga bagong colleague at siempre hindi na nawala ang mga tanong sa akin na: maranunong ka mag-hungarian?  taga saan ka?  ilang taon ka na dito? san ka nag-aaral? bakit ka nan-dito? nakakasawa ng sagutin tong mga tanong. paulit ulit na lang. bakit kasi ako lang ang oriental na „nag-tatrabaho” dito? ako tuloy ang napagtitripan. pati supervisor ko naaliw sa akin dahil puro kalokohan ang gustong ituro sa akin at ako naman tong si "mr. nice guy" e pretending naman na mabait at parang ayaw ko talagang matuto ng mga kagaguhan nila. Sos!