spell MALAS.

  gumising ako ng kay aga aga para lang pumunta sa immigration office para makakuha ng bagong ID kasi nga expired na tong hawak ko. nandoon nga ako ng maaga pero sabi  ni manong nasa maling lugar ako.  dapat daw pumunta ako sa kabilang immigration office dahil hindi na daw nila ginagawa ang mga pageextension ng mga cards o gumawa ng mga cards dito.

 tangina lang, okay pupunta ako dahil nakita kong may oras pa ako.  pero bago ako pumunta chineck ko muna sa net kung saan ba tong kabilang immigration office dahil nga hindi ko naintindihan yung binangit na direksiyon ni manong sa akin. sa pagkakaintindi ko harmad utca 131 (third street 131) yun pla harmat utca 131 (dew street 131).

sumakay sa bus pero hindi sigurado kung tama ba yung bus na sinakyan at eto ang ngyari sa akin.





alam mo yung feeling na nandon ka na sa kalye na gusto mong puntahan pero hindi mo makita yung numero na hinahanap mo? tangina lang!, nakakainis na nakakasuko! ang problema kasi yung kalye parang hindi diretso. alam kong diretso sya pero meron isang malaking bakanteng lote na nakakalito na pagdating ko sa dulo ng lote e iba na ang pangalan ng kalye. sa inis ko lang dahil hindi ko mahanap yung hinahanap ko, naisipan ko na lang umuwi. disappointed much ako kasi kahit special building man lang na pagiisipan kong immigration office yon e wala akong nakita puro panel house lang at maliliit na stores lang ang nakita ko. papauwi na ko at nakasakay na ko sa bus ng biglang may napansin akong kalye na harmat utca din ang nakalagay. ayun!127-131 ang nakalagay.  sabay baba ng mabilis sa bus at diniretso ko ang kalye. ng makita ko yung hinahanp ko, tangina lang sa dinatnan ko. immigration office ba to? seryoso ba sila?

anyhoooo so nakita ko nga yung immigration office na hinahanap ko pero panibagong kamalasan na naman ang pumatong sa araw ko. hindi ako nagdala ng sapat na pera. kamusta yung hinihingi nilang 10,000 (1,973 pesos) at 3,000 forints (592 pesos)para lang sa stamp? tangina lang! stamp lang yon! so kailangan ko talagang mag-bayad ng ganon kalaki para lang sa stamp? =.=" amfufu lang. totally shattered yung kaligayahan ko ng malaman kong kailangan kong magbayad ng ganong kalaking pera para lang sa stamp. naisipan ko na lang na bumalik sa susunod kapag may ganyan na kong kalaking pera. bwisit!