Saan ka ba kasi nakatira?

(simple minded)

  apat na buwan  na rin kami nagmamahalan ng bebe ko pero hindi ko pa rin alam kung san sya nakatira.  sigh  pero alam mo yung masaklap?  kahit na tinatanong ko kung san sya nakatira,  ayaw pa rin sa akin bangitin at ibigay yung address nya. baka daw kasi regaluhan ko sya ng bomba imbis na regalo. hahaha. amfufu lang talaga ng bebe ko.  malapit na naman ang araw ng mga puso o valentines day(kung ayaw mo ng tagalog) at dahil malayo kami sa isa’t isa, kailagan kong gumawa ng paraan para mabigyan ng bulaklak ang aking bebe.  sa totoo lang hindi ko pa namimeet even once ang bebe ko dahil nga ldr kami at nakilala lang namin ang isa’t isa sa isang social network. hindi ko masisi ang bebe ko kung ayaw nya.  kasi nga sa mga ngyayari ngayon e hindi natin alam kung sino ang pagkakatiwalaan at kung sino ang hindi.  mahirap na baka matsugi in no time. hahaha.  pero kahit na ganon sana naman pagkatiwalaan nya ko katulad ng pagtitiwala ko sa kanya. : ( (ang drama ko lang noh?)