Sa daan.


 and just like that, natapos na yung birthday ko.   : (  pakshyet ang bilis!  sigh*  bad news. 22 yrs old na ko. good news: nakapulot ako ng 20,000 ft kahapon ng umaga.  hahaha. sinwerte si cy? grabe!  hindi talaga ako makapaniwala na makakapulot ako ng ganitong kalaking pera sa daan.  biruin mo, 20,000 huf!  kung ikokonvert sa pera natin, it ’ll be  3,676.78 php. teng-ene, may palugit talagang  78 centimos?  lol thank you mr. currency converter.  anyway subway, kahit ako rin mismo sa sarili ko ay hindi makapaniwala sa laki ng perang napulot ko.  dito sa hungary, pinakamalaking paper money  na to.  at alam mo yung nakakatawa?, sa tuwing naglalakad ako sa kalye, lagi kong iniisip na sana makapulot ako ng ganitong kalaking pera. at anong swerte ang dumapo sa akin kahapon at nakapulot talaga ako. 

 sa totoo lang muka akong pera e. wla sigurong araw na hindi ako napapaisip sa pera. minsan iniimagine ko pa na sana manalo ako sa lotto at pasarap buhay na lang like a boss.  pero hindi naman tumataya. ano kaya yon? .. haha. o well, libre mangarap.  pero kawawa naman yung nawalan ng pera. siguro nanghihinayang sya at hindi nya nailagay mabuti sa dapat ikalagyan.  pero hayaan mo , kung sino ka man,  sisiguraduhin kong hindi ko sasayangin tong pera mo at gagamitin ko sa tamang pangangailangan.  ipunin na lang?   pwede rin.