OJT Week 2 Day 6


   himala at maaga ako nagising kanina. pero dahil masarap matulog, pabalik balik ako sa pagtulog hanggat hindi pumapatak sa saktong alas seis yung oras. hahaha. grabe ang lamig kanina below zero. alam mo yung nakakatamad? yung feeling na ang lamig lamig tapos kailangan mo talagang maligo para presko at mabango para walang masabi yung iba tungkol sayo. plus pogi points. yon o!  o wag na kontra. minsan lang.

  bukod sa bisi at matrabahong araw kanina, marami na naman uli ako nakilalang bagong mukha na katrabaho ko.  natural naman kasi maraming event na ngyari.  at siempre hindi na naman nawala yung pagiging mausisa nila kung sino ako dahil ako lang ang asianong trainee don. at gaya din ng dati , napagkamalan na naman na intsik ako.  ang saklap.  sa tinagal tagal ko dito sa bansa na to, wla pang nakatsamba o nakahula man lang kung anong klaseng asiano ako. kung hindi ako intsik muka daw akong thai. nyek?  ganon?  nako, wala akong pake. pero alam mo yung nakakatawa?  ng malaman nitong isang lalake na to na taga pilipinas ako, right away binangit nya kaagad yung pangalan ni pacman.  hahaha. XD wow grabe... pinoy icon talaga. at ang gago  bansagan ba kong pacman.  ang loko lang. sa tuwing nakakabanga nya ako eto lagi nyang  saludo sa akin.  „hey pacman! what’s up?!”-

at grabe, nasa paraiso ba ako?  ano ba tong mga naggagandahang babae na katrabaho ko?  amfufu lang. wala sa level e.  sa ganda nila pwede sila maging idol, model o artista.   ewan. enjoy ko na lang. minsan lang to.