malas.

kaninang umaga, akala ko pupunta lang ako para sukatin yung damit na ginawa nila sa akin at tingnan yung pwesto ng aking trabaho. yun pla hindi.  itong mismong araw na to pla ang simula ng aking OJT.  oo ojt. sigh*  hindi ko nanaman naintindihan yung minessage sa akin nung babae. akala ko bukas pa. hindi nman sa hindi ako marunong ng kanilang lengwahe, pero meron punto talaga na minsan hindi ko alam kung ano yung totoong kahulugan noon. amfufu lang talaga. minsan hinuhulaan ko na lang base sa mga salita lang. pero seryoso kailangan ko na talagang ilevel up tong kaalaman ko sa lengwhae na to.

hala sige, pagpapatuloy ko na lang tong kwento ko sa susunod na araw at kailangan ko pang mag-aral ng karunungang panlipunan kasi bukas may pagsusulit na magaganap.  sige tumambay muna kayo sa ibang blog. total malaki naman ang mundo ng blogosperyo. *blog window close* *open libro basa.*