tara, gawa tayo.

at tinotoo nga nya. talaga namang niyaya ako ngayong darating na sabado para sa napag-usapang "gawa tayo ng asianong pagkain" . hindi ko alam kung anong klaseng asianong pagkain ang gusto nyang gawin namin pero kung ano man yon e siguradong masarap. ang hirap tumangi lalo na't napag-usapan na at kung aayaw naman ako e madidisappoint lang sya sa akin. so pag-bigyan na.   pero IMBA lang talaga e. sya at ako lang?  gusto kong mag-sama ng kaibigan pero naisip ko rin na hindi naman nya kilala yung mga kaibigan ko tsaka wla rin kaming common friends na pwede kong yayain. KAMOTE!  at tsaka mag-sama man ako ng kaibigan it will be kinda rude din kasi hindi nya kilala lalo na't sa kanyang flat pa kami mag-luluto.  ewan d ko alam. bahala na. once in a life time lang. tikman ko na.