Love At First Sight.

  kaninang hapon dahil nga maaga pa at ayoko pang umuwi, naisipan kong pumunta sa bookstore at nag-baka sakaling may magandang libro akong mabili. nag-dadalawang isip ako kung bibili ba talaga ako o hindi dahil hindi naman talaga kailangang bumili ng libro. kasi kahit online naman e pwede akong mag-basa at idownload at basahin kapag walang net. pero naisip ko rin pwede akong bumili ng libro at kapag natapos ko iresell ko na lang ulit. so ayun, sinugod ko ang bookstore na parang may aawatin ba akong gulo at tumingin na kung ano ang pwede kong basahin. at dahil nga karamihan sa mga books ay in a hungarian language at konti lang ang english books,  naisipan ko na for the first time, i will buy and read a good hungarian translated book. At ang big question na pumasok sa aking utak munggo ay ito. ANONG KLASENG BOOK?  ang daming books at sangkaterba ang genre. nakakahilo, nakakapikon, at wala akong pasensya sa paghahanap kaya naisipan ko na lang na gawin ang dati kong nakagawian. [I`ll just judge it by its covers].  at ayun BOOOM!!!  wla pang segundong  nakalipas at may napusuan kaagad akong libro. Love at first sight ang dating! at ang libro na yon ay ito.  
at hindi ako na disappointed dahil  nung binasa ko ang intro ng libro nagustuhan ko kaagad. intro pa lang pinainit na ko kaagad so pano pa kapag nabasa ko ang buong libro? at sabay hanap ng presyo kung mag-kano. at bumulaga sa akin ay ito. 2990 HUF.-    awww...  bakit ang mahal?  2990 HUF = 600.536.PHP at dahil kakapusin ako ng pera kapag binili ko, naisipan ko na lang  na basahin sya don. at ganon na lang, napaupo ako sa isang tabi at ibinaon ko ang sarili ko sa kakabasa hanggang sa time is over. hindi ko sya natapos basahin pero siguradong babalikan ko sya bukas para tapusin.


Wag mo na kong tanungin kung anong libro ito, dahil masmainam pang ikaw na mismo ang umalam. Ang masasabi ko lang e Worth To Read sya.