Dear Lola,

 musta na po kayo dyan sa langit?  kasama nyo po ba dyan ngayon si lolo?  o kung hindi man, kung nasaan man po si lolo siguradong masaya rin sya. sigurado somewhere there nakahanap na naman ng royal softdrink at don na nakatambay. sana naman maligaya kayo dyan ni lolo. miss na miss ko na po kayo. mag-wawalong taon  ko na rin po kayong hindi nabibisita sa inyong puntod at ako po`y nalulungkot at nanghihinayang dahil hindi ko na naman po uli kayo mabibisita ngayong taon. pero la, kahit hindi ko kayo mabisita... lagi ko po kayong sinasama sa aking mga dasal at panalangin.

lola alam mo, sa sobrang pag-kaspoiled ko sa inyo... sa lahat ng iniwan mo na nagmamahal sayo,  ako lang yata ang napaluha ng todo. naalala ko pa po sa simbahan habang nakikinig sa mga magagandang alaaala, hindi ko po napigilan ang sarili ko na lumuha hanggang sa matangalan na ko ng hininga at atakihin sa puso.  ang sakit...hindi ko alam na ganito po pala kasakit ang mawalan ng minamahal sa buhay.  alam ko po at alam nyo rin po siguro nung panahong buhay pa kayo e wla po akong matinong nagawa sa inyo kundi sakit lang po ng ulo at konsumisyon. wlang araw din siguro na hindi kayo nagalit sa akin. lagi ko kayong pinepeste sa inyong malapayapang araw. kahit na lang sa inyong pag-inom ng masarap na kape na gawa ni mama e ako`y nakikisasaw ng aking pandesal at hindi maikakaila na kayo`y galit dahil wala akong galang. naalala ko pa po nung bata ako, lagi akong nagtatago sa ilalim ng palda ninyo. (kaya po ba malibog ako ngayon?  dahil po ba nakikita ko noon yung ano ninyo?  e bakit po ba kasi hindi kayo nagpapanty?)

lola, maraming maraming salamat po sa lahat ng pag-mamahal na binigay mo sa akin. sa sakripisyo at sa hirap na pag-aalaga mo sa amin ni ate kapag nsa trabaho sila mama at si papa, sa pagtatangol mo sa akin kapag pinapagalitan at pinapalo ako ni papa at sa mga kwento at mga kanta mo na hindi hinidi ko makakalimutan. maraming maraming salamat po.























P.S. (Pahabol Sulat)
La, sana po wag mo kong multuhin ngayong araw ng mga patay dahil hindi po ako handa sa mga surprise pop-up.sa panaginip na lang po kayo mag-paramdam. I love you. <3