Buddhist Monk - Self Immolation


“In Tibet, there is no freedom of speech, of movement, nothing,”

“But the world is too consumed to notice, there’s too much going on. Our job outside Tibet is to make sure the sacrifices do not go meaningless.”- Penpa Tsering

hindi pa rin talaga ako makapaniwala na may mga tao talagang handang mag-buwis ng kanilang buhay para lang sa kanilang paniniwala at pag-mamahal sa kanilang relihiyon. kaninang umaga habang hinihigop ko ang aking malaarnival na kape, may nabasa akong isang article na isang budistang monghe na tibetan na sinunog ang kanyang sarili nitong martes bilang protesta sa kanilang relihiyon. sa totoo lang pangsampu na syang budistang monghe na tinosta ang kanyang sarili. O e sino-sino naman yung mga nauna? hindi ko alam at wag mo kong tanungin. pero ayon sa aking malalim na pananaliksik kung babalikan nating ang pinag-simulan nito,  si Thích Quảng Đức daw ang mastermind ng actividad.

ayon sa nabasa ko, isa syang budistang monghe na sinunog ang sarili hanggang sa kamatayan sa sangandaan sa bayan ng Saigon upang magdala ng pansin at iprotesta ang pag-uusig sa relihiyong budista sa administrasyon ni Ngo Đinh Diệm sa South Vietnam. nais kasi nilang magkaroon ng pantay na karapatan sa pagsasanay at pagpapalaganap ng kanilang relihiyon. pero sa dinami dami ng paraan para ipahiwatig ang kanilang sarili bakit eto pa ang naisipan nila?  bakit eto?  masyado tong EXTREME!!! 

may paliwanag daw dito e. sabi nila karamihan sa mga budhista ay naniniwala daw sa sinaunang teksto na kung tawagin daw ay Lotus Sutra na iquote natin na "a medicine king making an offering of his own body to the Buddha by setting himself on fire". base sa mga experto o kung sino man henyo sila isa lamang itong kathang isip o gawa-gawa lang ng mga kanunununununununuan nila at hindi naman talaga totoo. pero ang mga abnoy  pinaniwalaan literally at pawalang-salang ginamit as a sign of self-immolation o for short SUICIDE.

actually merong akong video na nakita tungkol dito sa self immolation at nako po,  sigurado namang iiyak ka sa masasaksihan mo.



o ano, masklap ba ang katotohanan?