Alam Mo Ba?

na sa kakaisip ko kung ano ang maibablog ko ngayon e nagkamali ako ng labas ng station kanina?
akala ko pa naman nasa station na ko ng paaralan ko, yun pla one more stop pa. kakamadali ko naapakan ko tuloy yung boots ng babae. sana naman hindi sya nasaktan.

na pumasok ako kanina sa school sa classroom tapos sabay sulat sa blackboard ng professor na " Class Canceled"?
pumasok pa naman ako kaninang hapon para lang doon pero k.j lang.

na nakita ko uli yung dating kong HS na kaibigan?
wow.  apat na taon ko na syang hindi nakikita pero hindi pa rin sya nag-babago. ganung ganun pa rin sya.  

na ka-chat ko ngayon ang aking sis pero ang boring nya ngayong kausap?
ano ka ba naman ate!?  minsan na nga lang kita makakachat  tapos kung ano anong walang katuturan ang mga pinag-uusapan natin ngayon.

na bukas ay may test ako sa spanish at hanggang ngayon e hindi pa rin ako nag-rereview? 
feeling matalino ka cyron?  ha?  akala mo alam mo?  bumagsak ka sana bukas! (evil_laugh)