Charity Concert

Dahil nga sa ngyari sa Japan noong March 11, 2011 earthquake catastrophe, nag-organize yung kaibigan ng kaibigan ko ng charity concert for Japan here in Budapest. First time kong pumunta sa ganung concert and surprisingly it was a blast. Taas balahibo at nakakamangha ang mga hapones pagdating sa music. Full of emotions at talaga namang nakakaiyak. It was 2 and half hours playing of piano and violin. Buti na lang at naisipan kong pumunta. I was having a dilemma if i will go or not dahil sa title pa lang ng event ‘CHARITY CONCERT’ e parang ang boring na.  Expected mo na bukod sa mga hapones e may mga alien din na darating. Hindi ko rin alam kung ma-a-isolated ba ako doon o hindi. Kahit na alam kong introvert akong tao at mahiyain. Napapaisip ako na mag-mumukang tanga lang ako don. Kasi mag-isa ka lang na pinoy na pupunta don.  Pero nung nandon na ko,  nandoon din yung kaibigan kong pinay, so that makes us two filipinos there attending the concert. Akala ko hindi sya pupunta, kasi naman panapanahon din yon. 'D ko alam kung magiging busy ba sya o hindi sa mga oras na yon.   
  
So pagkatapos nung concert akala ko yun na yon pero hindi pa pala doon nagtatapos ang masayang gabi. Niyaya ako ng kaibigan ko na manatili doon ng konti at sama daw ako sa kanila mag-dinner.  Pumunta kami sa isang Bohemian Restaurant together with the hapones na nag-perform.  Grabe ang gaganda nila. Nalove at first sight ako.  So KAWAIII!!!!   Nung nandoon na kami sa restaurant akala ko manlilibre sila. Yun pla kanya-kanyang bayad.  Nagyaya akala ko libre yung chichibugin ko sa restaurant.  At isa pang nakakagulat, yung restaurant ay mahal. Taragis hindi ako maka-order ng pagkain sa menu card. Hanggang Light beer lang ako. Yung iba umorder ng cake, juice, main dish, fruit soup at iba pa. Anampalucha, isipin mo na lang, I went to an expensive restaurant just to order a light beer. Putaragis  my gudness...  

Ganon pa man, I had a good time being with them. Another moment that I will remember for the rest of my life.